[ 7 ]

200 19 1
                                    

Chapter 7

Pagdating sa bahay hinanap ko kaagad si daddy, hangang sa nakita kong naka-awang  ang pintuan ng library. Aalis na sana ako pero parang ayaw umalis ng paa ko kaya nakinig ako sa pag-uusap nila.

“Alberto ano ang gagawin mong hakbang ngayon? Pina-buksan ulit ng anak ni James ang kaso pagpatay sa kanyang ama? Kailangan gumawa na tayo ng paraan para dito?”

“Huwag kang mag-alala, gagawa ako ng paraan.”

“Anong paraan? Nakita ka nung bata nang patayin mo si James.” Natatakot na sabi ng kausap ni daddy.

“Sabi ko sa’yo, gagawa ako ng paraan. Ano ba pangalan ng anak ni James?”

“Ang pag-kakaalam ko ang pangalan ay…“

“Arabella, anong ginagawa mo diyan? Kanina ka pa ba diyan? Ano oras ka dumating?” dire-diretsong tanong sa akin habang papalapit.

“Daddy! Ano o ah…kadarating ko lang po, hinanap ko po kayo kaagad kaya po nandito ako” Nauutal na sagot ko…

“Sige po daddy punta na po ako sa kwarto ko.” Paalam ko.

Alam kong nakatingin pa rin sa akin si daddy habang paalis ako. Nahalata kaya niya na narinig ko ang usapan nila?

“Narinig kaya tayo ng anak mo Alberto? Hindi ito sumagot .

Pabagsak akong humiga sa kama. Ano kaya ang pinag-uusapan nila? At bakit ganun na lang reaction ng kausap ni daddy na para bang may kinatatakutan. Hmm, sino nga kaya ang anak ni James na yun?bakit ang sabi ay pinabuksana ang kaso? Ano ang kinalaman ni daddy dito? Alma ko na para malaman ko ang sagot sa mga tanong ko. Mag-iimbestiga ako.

***

Matulin na lumipas ang dalawang linggo, hindi rin nagkaruon ng pag-kakataon na magkita kami Rowan, kaya sa text or tawag lang kami nakaka-pagusap. Busy siya sa trabaho at ako naman sa pag-eenrol.

“Hay salamat buti at natapos na din tayo at maganda ang nakuha nating schedule ngayon, meron pa akong time na maka-date ang honey ko..”

“Ms. Adelang baliw, aba’t simula nung naging kayo halos araw raw na kayong mag-kasama ah! D nga kayo mapaghiwalay kahit isang araw, kung hindi pa natin dapat ayusin itong pag-eenrol eh d ka pa sasama sa amin. “ May halong tampo ang salita ni Dalia.

“Inggit ka lang Dalia, kasi sa’yo walang nangliligaw. Tawagin mo na kong baliw, wah ako care..basta ako in-love. Nyahaha. “

“Bahala ka sa buhay mo! At FYI meron pong nangliligaw sa akin d mo lang kilala and no need to know him.”

Taas ng kila. “Ows, talaga, malas naman niya at ikaw pa ang niligawan.”

Ngingit ngti nalang kami ni Mona. Pero isang banda ng utak ko..kami kaya kailan mag-dedate? Hello paano nga kayo mag-dedate eh hindi nga kayo nag-kikita. Oo nga, kaasar. Arggg. Sopresahin ko kaya siya! Ako nag mag-aya sa kanyang lumabas kami. Miss na miss ko na siya eh!

Love EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon