Nova's POV
Hello, ako si Nova. Isang cute na cute na chinita (sabi ni mama nung nabubuhay pa sya ^__^). Ang buong pangalan ko ay Nova Dee. Parang "Nobody" lang no? Bagay na bagay talaga yung pangalan ko sa estado ko sa buhay. Mahirap lang kasi kami eh. Actually, mayaman daw yung papa ko pero niloko niya kasi yung mama ko kaya nakipaghiwalay si mama nung pinagbubuntis pa lang niya ako. So, lumaki ako ng walang tatay. Sensitive na sensitive si mama sa mga mayayaman. Lalo na sa mga lalake. Kaya nga ang payo niya sa akin, "Mag-aral ka muna. Lolokohin ka lang ng mga mayayamang babaerong mga lalaki na yan!"
Kamamatay lang niya last year dahil sa car accident. Saka ko lang naisip non na ang hirap pala ng walang magulang. Naiwan tuloy ako sa tita ko yung pinsan kong si Mandy. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari.
Ginawa lang naman akong katulong ng tita ko at ng pinsan ko. Nakakainis -__-. Nahirapan tuloy akong mag-aral pero kahit ganon, naging motivation ko yung mga ginawa nila sa akin para magsumikap at umangat sa buhay. Nag-aral ako habang naglalaba, namamalansya, naghuhugas ng pinagkainan, at kung ano ano pa. Wew! Ang hirap ng buhay ko no? Pero sa awa ng Diyos, grumaduate ako as Valedictorian. Hehehe! ^__^
Sa tingin ko talaga, blessing to na kinukuha ako bilang scholar ngayon ng FRKOUniversity eh. Biruin mo, saktong sakto kasi wala naman na akong pang-tuition. Kung sakali sigurong hindi ako naging scholar, eh baka pinag-stop na ko ni tita. Ginastos na kasi nila yung ipon ni mama na pamana nya sa akin eh. Hindi ko nga alam kung anu ibigsabihin nung FRKO na yun eh. Ano yun? Parang ang pangit ^__^V Hehehe! Basta ang sabi-sabi, magandang school daw yun kasi nga, sikat na university daw yun kaya mas madaling makahanap ng trabaho pag nalaman nilang dun ka grumaduate nung college.
Ay! Nakalimutan ko! Ngayon nga pala yung interview ko kay Mr. Smith! -__- Sya yung nagbigay ng scholarship sakin sa FRKOUniversity na yun kasi sya yung may-ari ng university! Astig no? Galing sa may-ari ung scholarship ko. Hehehe. So ba-bye na sa pagiging free katulong ko dito! Ito na ang umpisa ng pag-unlad ko! Yeah! \m/
"Ba-bye insan, tita!" sabi ko sa kanila. Kahit sobrang saya ko, pinilit kong wag ngumiti. Baka kasi mahalata nila na sobrang saya ko na hindi ko na sila makakasama. ^__^V
"Anu ba yan! Wala na kong katulong!" sabi ni tita. Wow ha? Ang ganda ng pamamaalam scene namin. Wala man lang goodbye kiss o goodbye hug? Kung ituring talaga nila ko parang hindi nila ko kamag-anak. Samantalang nung buhay pa si mama ambabait nila. After lang pala sila sa kayamanan ni mama na binigay sa kanya ni papa.
“Oh eto! Bayad ko sayo sa lahat ng ginawa mo!” sabi ng tita ko sabay alis niya papuntang kwarto.
Binigyan naman nya ako ng P20 kaya napatawad ko na rin sya kahit konti. ^__^V
Hindi pa rin yon sapat pangkain ko, pangrenta ng dorm at pamasahe. -__- Bibili nalang ako ng monay at softdrinks. ^__^
"Bwiset ka talaga Nova! Akin na yang P20 na yan! Sakto wala na kong load" sabi ni Mandy, ang pinsan kong bad. Eww.. Bad.. I hate bad..
“Ano bang problema mo?”
Hindi ko sa kanya ibinigay kasi alam naman nyang kulang yon tapos kukunin nya pa! Hay nako!
"Hindi mo bibigay yan? AKIN NA NGA!" sabay sampal sa akin ng pinsan ko.
"Epal ka pala eh!" sabi ko, sabay sampal ko sa kanya.
"Sumusobra ka na! Sawang-sawa na ko sa mga pinag-gagagawa nyo sa buhay ko! Magkakapamilya tayo pero kung ituring nyo ko, parang hayop!" dagdag ko.
"Aba't lumalaban ka na ngayon ah!" sagot niya sabay sabunot. Aray. -__-
![](https://img.wattpad.com/cover/13460405-288-k42903.jpg)
BINABASA MO ANG
When Somebody Kissed Nobody (On- Hold)
Teen FictionNova Dee is a poor, pretty, and smart chinita who has been accepted as a scholar in FRKO University, without knowing that the university is “For Rich Kids Only”. For her, that is a great opportunity to be successful and also to escape her miserable...