"KATE!" tawag ni Radenne.
"Hoooy! Hindi sakin nakatapat yan!"
"Kaila pa to. Sasali-sali ka, tapos duwag ka naman. Ts!" bigla namang sinabi ito ni Katherine.
"Eto na, oo na. Truth."
"Yay! Sinong crush mo sa room?"
"Ano ba yan, pangbatang tanong yang mga ganyan eh. Dapat mga what is the square root of ganito para may thrill."
"Utot mo. Baka kaya mo. Dali na, change topic pa to eh."
"Eh pano kung wala?"
"Eh di natitipuhan. Yung.. basta! Sino nga?"
"Hay nako.. si... si Brenz."
Hala! Bakit si Brenz ang nasabi ko?
"Joke lang. Wala talaga guys." dagdag ko.
Pagtingin ko sa kanila, mukhang mga nagpipilit ng pagsabog sa mukha. Yung tipong hindi makapaniwala. Jusko, mga sira ulo talaga itong mga to.
"AYIEEE!!! OMGGGG!!"
"Sabi ko sa'yo boi eh! WOOHHHH!!!"
"HART HART!!!!"
"Kreeeenz na ituuuuu!"
"Arghhhh!"
Oops.
"Oh, bakit ka nagngingitngit dyan Garcia?" nagtatakang tanong ni Sir Livera.
Hay, kapag minamalas ka nga naman.
"Ah.. pinapractice ko lang po yung sigaw nung kawal para mamaya sa play namin."
"Ah ganun ba? Sige, magsisigaw ka muna habang nagrereport yung mga kaklase mo."
"Aishhh.." pabulong ko na lang na nasabi at saka umupo na ako.
Epal kasi yang Spin the Bottle na yan! Dapat kasi hindi na lang ako sumali. Kapag naiisip ko yung mga nangyari, naiinis ako! Napasigaw pa tuloy ako nang di oras.
Nadamay din tuloy tong si Brenz sa mga mararahas kong kaklase. Lagi na lang kaming dinudumog ng mga a.k.a. 'Krenz fanatics". Sa totoo lang, ang kokorni nila. Eh bakit, sinadya ko ba?
Aish. Bahala na nga sila. Ba't ba ako naaapektuhan?
**********
"Hoy beach, umayos ka nga. Kanina ka pang ganyan, para kang kumag." sabi sakin ni Katherine.
Kanina pa kasi akong tulala. Naiinis talaga ako, ba't ko kasi sinabi yun. Sana sinabi ko na lang na wala. Pffft.
"Ehh. Hahaha."
"Nababaliw na si Kate!" dagdag naman ni Radenne.
Nakakabanas tong dalawang to. Kung hindi dahil sa kanila, hindi kami mapapa-, hindi ako mapapahiya! Kakain na nga lang ako.
"Eunice, tara bili tayo." tawag ko kay Eunice. Nakakainis kasi yung dalawa. Buti pa tong si Eunice, hindi sya kasali sa spin the bottle kahapon. Siguro naman hindi nya alam yun.
"Bakit ka ba nababaliw, Kate? Dahil ba kay Brenz?" tanong nya.
Susmaryosep. Bakit pati ikaw, Eunice? Wala na ba talagang matinong kausap? Puro na lang ba 'to sa Brenz na yan? Sa Krenz na yan? Sinadya ko ba yun? Psh!
**********
Lahat ng yan, nagpatuloy hanggang sa mga huling linggo namin sa school. Wala akong magawa kundi tumahimik. Alangan namang patulan ko? Baka pag ginawa ko yun, lalo pa kaming asarin.
Hanggang sa, nagtanong ako kay Brenz. Bakit wala syang pakialam kahit na inaasar kami?
"Brenz.." sabi ko, bilang pangtawag sa kanya.
Hindi sya sumagot, tumingin lang sakin. Alam ko na ito na ang cue para magsalita ako.
"Brenz, bakit parang wala kang pakialam? Kahit na inaasar nila tayo? Hindi ka ba naiinis?"
"Bakit naman ako maiinis? Sakyan mo lang trip nila. Alam naman nating walang meron satin eh. Alam ko namang hindi totoo yung sinabi mo."
What a relief! Buti pa to, hindi naniwala. Eh yung iba kong kaklase? Nagtatayo pa ng fandom para sa Krenz na yan. Mga beach talaga.
"..Pwera na lang kung magkakatotoo talga." bigla nyang sinabi.
"Ha? Anong palaka?"
Hindi ko narinig eh, nagtilian kasi yung mga kaklase ko. Bale, yung narinig ko lang.. 'Pwera na lang kung magaskljsadjflsis palaka.'
"Psh, wala."
"Pffft!"
Nabigla na lang ako nung nagtilian ulit yung mga kaklase ko. Ang hilig tumili, buti na lang soundproof tong mga classroom, hindi rinig yung ingay sa loob dun sa labas. Kung rinig to? Siguro abot na sa office of the principal. Pano, yung mga tili ng kaklase ko parang nakakita ng..
GEEEEEEEEEEEEEEEEEZ!
"Anong tini-tingin tingin nyo dyan?" naiirita kong sinabi.
"Hi Kate! Anong pinag-uusapan nyo? Pwede ba naming malaman?" sabi nung isa kong kaklase na may hawak pa na papel na may nakalagay na 'Krenz Fanatic Forever!'
"TUMIGIL NGA KAYO DYAN!" sigaw ko. Nakakairita kasi talaga. Kapag ba kakausapin ko si Brenz, kailangan alam nila? Jusmeyo. Magtitilian pa! Bakit, KathNiel ba kami? Aish!
"Favor naman! Pagbigyan nyo na kami! Sige na!"
"AYO-" hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko nang umepal si Brenz.
"Ano yun?"
5
4
3
2
1
"AHHHHHHHHHHHHHH!!!" nagtilian na naman sila. Epal tong si Brenz. Sakyan yung trip? Eto ba yun? Aish, bahala na.
"Picture naman kayong dalawa!"
"Oo nga, magpapicture kayo para hindi na kami nag-eedit para lang ipagtabi kayo!"
"Yun oh!"
"Picture na yan! Picture na yan!"
Halo halo na yung naririnig ko. Hindi ko alam kung sino bang papakinggan ko. Hanggang sa nalaman ko na lang na hinila na pala ako ni Brenz para magpapicture.
GEEEEEEEEEZ. O_O
"San ba titingin?" sabi nya. And as usual, nagtilian na naman sila. Punyemas, hindi ba nawawasak ang lalamunan ng mga to?!
Naghanda na ko sa picture, wala namang magagawa eh. Mararahas nga kasi yung mga kaklase ko. No choice.
Nakangiti na kami nung biglang may nagrequest na naman. Punyemas na request yan.
"Akbay mode! Akbay!"
Nanlaki mata ko nun, sobra na sila ha! Magpapapicture na nga kami, kelangan may akbay pa? Aba, iba na yan!
"Ay nako, hindi pwe-" hindi ko na nman natapos. Thank you Brenz ha. Thankyou! -_-
Bigla nya kasi akong inakbayan. At nagpapicture na kami.
----
Tuloy ko ba to? HAHAHAHAHA. XD Penge muna limang votes para ituloy ko. HAHAHAHA.
