Special Chapter - My Runaway Bride Pro-Chapter 3

7.1K 120 4
                                    

Special Chapter - My Runaway Bride Pro-Chapter 3


*Kim's POV

"Thank you for answering my questions." Tinanguan lang namin si Detective Sandoval. Siya ang humahawak sa kaso na nangyari sa school. Ang sabi niya, we are not suspects but they just need our statements dahil nandoon din kami sa parking lot nung araw ng insidente.

I sighed. "Okay na po ba si Sam?"

"Hindi pa ito nagigising but the doctors said she's fine."

Nakahinga rin ako ng maluwag. Nung araw na nandoon kaming tatlo sa parking lot ay may nangyaring barilan. Hindi naman nabaril si Sam pero natamaan ito ng mga bubog na nabasag mula sa salamin ng mga kotse doon. The doctor said that she might also experience a post trauma.

Pinuntahan kami ng detective dito sa bahay para magtanong ng ilang katanungan. Pumayag naman sila mommy. Nagpaalam na ito agad at inihatid naman siya ni Xian sa labas. Dumiretso ako sa kwarto ko at yumakap sa unan. Nag-aalala ako kay Sam, bakit nadamay siya sa ganun?

Napaupo ako ng maayos nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko, pumasok si Xian.

"Let's eat dinner,"

Umiling ako. "W-wala akong gana, kayo nalang ni Arm." Isinubsob ko ulit sa unan ang mukha ko.

Bukod sa sobrang pag-aalala ko kay Sam, may mga bagay ding gumugulo sa isip ko. Hindi pa umuuwi sila mommy, it's been three days pero wala pa rin sila. Kinakabahan ako kasi baka mabigat talaga yung problema sa company. Tapos naiisip ko pa yung mga ikinikilos ni Xian this past few days, masyado siyang mabait at maalaga sa akin. At kahit gusto ko yung side niyang iyon, hindi ko pa rin mapigilang mapaisip kung ano ang dahilan niya.

"Don't be stubborn Kim, let's eat."

"Ayoko nga,"

Akala ko naman ay aalis na ito pero nagulat nalang ako nang buhatin ako nito at inilabas sa kwarto. "X-xian ibaba mo nga ako.." Ang awkward ng ganito, masyado siyang malapit.

"I hate stubborn and immature girls."

"Pero busog pa kasi talaga ako." Pagdadahilan ko, ang totoo niyan ay umiiwas lang talaga akong makasabay sila ni Arm.

"How come you're full when you haven't eat anything for lunch? Are you trying to kill yourself?"

Wala na akong nagawa dahil ayoko namang makipagtalo sa kaniya. Kumapit nalang ako sa leeg niya sa takot ko na baka mabitiwan niya ako. He's walking slowly on the stairs and all I can hear is my heartbeat. Argg! Sana hindi niya naririnig 'to, ang lakas naman kasi eh.

Nang makarating kami sa diner ay naramdaman kong natigilan ito nang madatnan naming nandoon na si Arm, nakaupo na ito sa usual seat niya habang malamlam ang mga matang nakatingin sa amin.

Dahan-dahan akong iniupo ni Xian pero nang tignan ko siya ay nakita kong nakatitig siya kay Armie. I can see something on his eyes pero hindi ko iyon maipaliwanag. Parang lalong naging awkward ang lahat.

Napatingin na rin ako kay Armie nang tumayo ito at tumakbo palabas. I heard Xian murmur a curse bago nito hinabol si Arm. Sinundan ko nalang sila ng tingin at tila mas lalo akong naguluhan sa nangyayari.

I decided to eat alone para mas makapag-concentrate ako. Alam ko kasing hindi ako makakakain ng maayos kung nandiyan si Xian. Nang matapos ako ay umalis na rin ako doon. Babalik na sana ako sa kwarto ko nang may marinig akong mga hikbi sa labas.

Sinundan ko iyon at nakarating ako sa likod, sa garden. Dahan-dahan akong naglakad palapit pero parang nabato ako sa kinatatayuan ko nang makita kong magkayakap si Arm at Xian. Arm's crying and Xian's trying to stop her.

"I can't..Xian please?Kajima."

"I'm sorry, I'm sorry.." I heard Xian whisper.

Gusto ko ng umalis pero parang may pumipigil sa akin. Parang may kailangan pa kong marinig.

"Why do you have to marry her? I can help you, I can ask my dad for help. Just don't leave me, I can't take it. Please Xian..don't leave me."

Magpapakasal siya? At iiwan niya si Armie? Wait, I don't understand. Bakit wala akong alam sa nangyayari? Sino ang papakasalan niya?

"It's my decision Armie, I want to return the favor her parents has been giving us. They always help us with the problems we encounter with company. I can't do anything to help that's why my dad decides for me. I'll marry her, I'll marry Kim."

I was stunned the moment I heard my name. Kim..ako lang naman ang Kim na kilala nila hindi ba? Anong sinasabi niya? Pakakasalan niya ako bilang pagtanaw ng utang na loob? Ito ba ang sinasabing problema nila daddy? Ito ba yung ibig niyang sabihin nang sabihin niyang magiging parte na rin ng pamilya namin si Xian? What? What's happening?

"How about me? You told me you love me? Are you breaking up on me now Xian? You're leaving me for her?"

"I-I'm sorry but I'm afraid we really have to end this Armie. Yes, I love you, but my family is my priority. I can't stand seeing everything go down without helping them, I'm doing this for them."

Bigla nitong itinulak si Xian. "No! I don't want to do this! Xian I can't let you go! I can't!"

Napayuko si Xian. It breaks my hearts, it breaks my heart seeing them fall apart for me. Bakit nangyayari 'to?

"Let's break up Armie." And then he turned his back at her. Naglakad ito palayo.

Napaluhod si Armie habang umiiyak, she keeps on calling his name pero hindi na ito lumingon pa. Hindi ko na rin napigilan ang sarili kong maiyak dahil sa nakikita ko. Alam kong sobrang nasasaktan si Armie, walang-wala iyon sa sakit na maari kong maramdaman. At hindi ko kayang ganito, I can't stand this. Pero anong magagawa ko? May parte sa akin na nag-eexpect na ikasal ako kay Xian, it's my dream. Pero may parte rin sa akin na pilit na itinatangging dapat kaming ikasal, kasi dalawa silang nasasaktan at alam ko 'yon.

Pero anong gagawin ko? Anong gagawin ko?

**

Author's note: If you are still interested to read the story, you can click on the external link. It will lead you to the whole story, My Runaway Bride. Thank you for reading!

The Gangster's Girl [ Dreame ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon