PANG-LABING ANIM NA PAHINA

2 0 0
                                    

Love is the emblem of eternity; it confounds all notion of time; effaces all memory of a beginning, all fear of an end."
- Madame De Stael







"Daan muna tayo sa market Sav may bibilhin lang ako"

"Ok sige po La" papalabas na kami sa simbahan at sabi nga ni lola dadaan muna kami sa market.

Ano ba yan! Hindi ko tuloy napakinggan ng maayos ang pari kanina.

I hate reminiscing old memories. Bumabalik kasi lahat. Pati yung SAKIT.

Kasalanan ko ba kung hindi ako makapag move-on? Sabi nga nila just feel the pain until it hurts no more. Pero feel ko talaga malapit na.

Konting-konti nalang makaka move-on na'ko.

Pagdating sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto ko upang tapusin yung parang tula o ewan ko kung ano yun for group presentation namin and yeah! It's about Love. True Love.

Sa panahon ngayon imposible na yang True Love na sinasabi nila.

And since 'yan daw kasi yung common topic this days dahil mga kabataan ngayon mahilig sa PAG-IBIG. Sus! Kung alam lang nilang nakakasakit yun ewan ko nalang.

Naniniwala ba kayo sa True Love?
Sabi nila ang totoong pag-ibig daw ay hindi nagbabago, nawawala o naglalaho.
Because "Love is FOREVER. It will stay even beyond of the time."
Nabasa ko to sa isang paborito kong libro.
Sabi din ng lola ko ang pag-ibig ay hindi napapagod o nagsasawa.
Hindi rin daw ito mapanakit bagkus ito daw ang gumagaling sa sakit na naidulot ng maling pag-ibig.
Meron nga ba talagang maling pag-ibig?
O baka maling panahon o maling tao lang?
Paano kung dumating ang panahon na mapagod at magsawa na ang isang nagmamahal?

Siguro... kapag napagod na ang nagmamahal kusa nalang itong bibitaw.

Kaya pala... kaya pala bumitaw siya dahil napagod na siyang mahalin ang isang tulad ko.

"Hay naku Sav! Tigilan mo na yan please!" sabay gulo ko sa buhok ko.

Bukas na nga lang to! Bahala na kung anong lumabas sa bibig ko basta yun na yun!

At nag online nalang ako sa facebook.

Chat
Cheska: Guys! Need daw ni Maam Zen yung ibang requirements natin.

Chia: Hala oo nga. Dalawa nalang yung kulang ko.

Me: Isa nalang yung kulang sa'kin.

Oo. Isa nalang yung kulang sakin. Siya nalang yung kulang sakin... Joke!

Chia: Buti ka pa Sav. Anyways Cheska kailan mo kukunin yung iba mong requirements sa USP?

Omg! Sa USP nga pala kukunin yung ibang requirements namin. 'Yun yung school namin nung highschool.

And ayaw ko ng bumalik do'n masyado ng maraming malulungkot na ala-alang ayaw ko ng ma-alala pa.

Chat
Cheska: Maybe next week? Sabay nalang tayo kailan kayo free?

Chia: Anytime. Kayo? Sav?

Me: uhmm... I'm busy eh may ginagawa pa akong projects.

Cheska: Hmmmm really?

Me: Okay fine! Next week siguro.

Chia: Sure!

Wala naman sigurong mangyayari sakin do'n diba? At saka okay na naman ako.

And... and why are you thinking about this Sav? Anong connect niya sa pag punta niyo sa USP?

Okay stop it urgh!

Bakit ba kasi di ko siya malimutlimutan! Yung gagong yun! Naiinis ako tuwing naiisip ko siya dahil naiisip ko rin yung mga naririnig kong rason niya kung bakit niya ako hiniwalayan!

Naiinis ako sa sarili ko kasi anim na buwan na yun! ANIM NA BUWAN NA!

Pero hanggang ngayon umiiyak parin ako dahil sa bwesit na Ivan na 'yan! Urgh!

True Love Ain't EasyWhere stories live. Discover now