Chapter 17- Class Meeting Pt. 2

118 2 0
                                    

Chapter 17- Class Meeting Pt. 2

Wendy's P.O.V

Nasa loob na kami ng classroom at andun na rin yung ibang class officers ng Grade 11 Zues. Napatingin naman sila samin at dun kay JD.

"Sino yang isa?" Tanong nung isa naming business manager na si JJ sabay turo kay JD.

"Ah, siya si JD. Taga Hermes siya," sabi ni Gab sabay akbay kay JD.

"Wala ba silang Class Meeting?" Tanong nung representative namin na si Nerisa. Biglang tumawa sila JJ at Monica at hinila ni Monica si JD papunta kay Nerisa at mas tumawa yung dalawa. Nung nahalata ko yung pinopoint out nila, natawa nalang din ako.

"Oh? Anong nakakatawa?" Reklamo ni Nerisa at nung napansin na nung mga kaklase namin ang pinagtatawanan namin, pati rin sila natawa.

"Hahaha! Mabuhay mga negrito!" Biglang sigaw ni JJ at mas natawa na kami. Haha! Di wow! Kami na matrip.

"Ay! Bullying kayo!" Sabi ni Angelica habang natatawa. At least siya, marunong tumawa di tulad ng kapatid niyang may problema sa mga muscle sa mukha.

"Jusmeyo! Tumigil na nga kayo!" Sabi ni Arianne habang pinipigilan ang pagtawa, "Di naman officer si JD kaya okay lang tumambay siya dito."

"Oohh! Spy ng kabilang section," sabi ni Monica pero wala nang nagsalita matapos nun. Umupo na kami sa mga random desk na mauupuan namin habang tumayo sa harap sila pres at vice pres. Eeeii! Kilig kami ni Monica! Kung PDA na tawag sa pagtayo sa harap, sige. Tanggap namin ang PDA na yun. Haha. Joke lang.

"So, ano ba yang pag-uusapan sa Emergency meeting na yan?" Tanong ng isa pa namong business manager at nagsulat si Arianne a board ng agenda.

"May mga selected sections sa grade 11 na magpeperform para sa Foundation day next month and isa tayo dun," announce ni Arianne sa buong class at nagsulat na naman sana siya pero nung nakita niyang parang may ibang ginagawa si Monica, pinatawag niya si Monic, "Miss Secretary. Ikaw nga po ang magsulat ng agenda sa board."

"La. Kaya mo na yan. Sub lang naman ako," sabi niya tapos bigla siyang tinapunan ni Arianne ng chalk pero nasalo to ni Monica, "Beh beh beh beh beh!"

"Wendy, kunin no nga yung priniserve na palaka dun sa biology la--"

"Okay! Okay! Di naman kayo mabiro," sabi ni Monica at naglakad papunta sa board at nagsulat gamit yung chalk na nasalo niya. Patakot kay Monica. Palaka.

"Mga adviser ang bubunot para sa mga klase na magpeperform at kung ano rin ang gagawin nila. Ang nabunot ni sir ay play kaya kailangan natin mag-isip ng pwedeng iplay. Scriptwriters, casts, and such," sabi niya at biglang nagtaas ng kamay si Angelica, "Yes?"

"Kailangan talaga play? Di ba pwedeng magdance drama?"

"Natanong ko na din si sir tungkol diyan pero may magdadance drama na din daw kasi," sagot ni Arianne at nagpatuloy si Gab sa agenda.

"Hindi lang pala yun. Huling part pala ng Foundation day celebration ay ang search for Mr. and Ms. Kevlar. Magkakaroon ng screening bukas ng mga muse and escort ng bawat grade and section at pipili ang mga teachers ng magiging representative per grade."

"Buti pala't maganda at gwapo ang loveteam natin sa officers," biro ng P.I.O at napatingin kami sa muse and escort namin. Yeah, good looking sila at isa rin silang loveteam sa room.

"La. GabArianne is still a ship!" Biglang sabi ni Monica at natawa kami ni Carlo habang napansin ko ang pamumula nung dalawa sa harap. Sinamaan naman ni Arianne ang tingin kay Monica pero ngumiti lang siya ng painosente. Di po yan inosente!

Kevlar AcademyWhere stories live. Discover now