Chapter 9:Bonfire

276 6 0
                                    

Chapter 9:Bonfire

Nandito ang buong section namin ngayon sa tabing dagat at nakapalibot
kaming lahat sa Bonfire...

Last activity na daw namin to sabi ni Mam Rhea.. Ang kailangan lang daw naming gawin ay bumunot ng isang question dun sa fish bowl..

At yun nagsimula namang bumunot ng question yung kaklase ko na si Jerrah, ang nabunot niya namang question ay,
"Kung may isang alaala kang hindi makakalimutan sa batch niyo ngayon,ano yun at bakit?"

Woaahh ..handaan na ng mga panyo!alam kong sa iyakan na naman to mapupunta...

At nagsalita na si Jerrah para sagutin yung tanong.. "Ahhmm kung may hindi man ako makakalimutan sa batch na to ayy, ano..hhehe anu ba yan! hhehe naiiyak na ko..sige eto na talaga..ahmm yung magandang samahan ng section natin, kahit kalokohan pa yan,iyakan o dramahan, appreciate ko  lagi yung  cooperation ng section natin..yung section na di magpapatalo! Diba! hhahah.. siya tahan na kayo! Ampapanget niyo na..ayyy natin pala kapag umiiyak!" at nagtawanan naman kami..Oo kahit ako rin,yun din yung hindi ko makakalimutan..kahit na minsan na parang nasa Zoo lang  kami..syempre..love na love ko paren yung mga yan!:-* hhaha drama!^.^

At yun Bumunot na yung iba..tapos hindi talaga mawawala yung pagka drama nung mga nagsasalita..ngayon ko lang nalaman na madami pala sa section namin ang pwedeng mag artista! hhaha ang gagaling umiyak eh! ^__<

At sunod nang bumunot si Scarlet.. At binasa niya na yung tanong niya..
"Gaano kahalaga sayo ang salitang 'Friendship'?"

"Ahmm para sakin, ang halaga ng salitang 'Friendship' ay hindi kahit kailan mapapantayan ng kahit anong materyal na bagay..ahhmm hehe anu bayan!naiiyak na ako eh! ahmm..yung tipong yung turingan niyo ay talo pa ang tunay na
magkapatid...hhehe pati narin sa mga hilig, laging parehas,masayang kasama..at syempre sobra akong nagpapasalamat at may best friend akong gaya mo...Cassey.." Whaaa!! Grabe namang nakaka touch yung message sakin ni Scarlet.. hhuhu :-"< at pagkatapos niya namang magsalita, ay nagyakapan kaming dalawa..

Next naman ako na...at bumunot na ako ng question,

"Kung bibigyan ka ng pagkakataon na mag-I LOVE YOU sa isang taong kahit kailan, sa buong buhay mo ay hindi mo nasabi sa kanya,kanino yun at bakit?"whhaaah!! bakit pa itong tanong na to! wahh I'm gonna cry cry na talaga! Nakita ko namang nag iintay ang mga classmate ko ng sagot ko...

" Ahhmm sorry.. ahmm isang taong hindi ko nasabihan ng salitang 'I Love You' sa buong buhay ko ay walang iba kundi ang Papa ko..hindi ko man naipaparamdam o nasasabi ang salitang yon sa kanya pero alam nitong puso ko na mahal mahal ko siya..siya yung nag sakripisyo upang mabuhay kami..masasabi ko na mas close ako kay mama pero ..sobrang mahal na mahal ko din ang papa ko.."
yun lang ang nasabi ko sa kanila at hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong tumakbo..Ewan ko..
masyado talaga akong naapektuhan nung tanong..
sinubukan naman
akong habulin ni
Scarlet pero pinigilan
siya  ng  mga classmates namin...

Hindi ko na alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko ngayon pero takbo lang ako ng takbo..

Nang biglang tumigil ako dun sa may tabing dagat..pinagmamasdan ko lang ang dagat ngayon.. ang payapa..

Nang biglang may lalaking tumabi sa akin...O_O totoo ba tong nakikita ko? Gulat na gulat parin yung expression ko ngayon..hindi parin
ako makapagsalita..hindi
ako makagalaw...

Si Prince Charming...

Itutuloy...

***

My Kpop BoyfriendWhere stories live. Discover now