Chapter 4

2.7K 133 14
                                    

Chapter 4



Lexi's POV


"Ano ba?! Nananadya ka ba talaga?!" Nyeta ang aga-aga nambwibwisit na naman tong si Lyndon.

Kasalukuyan akong nakasalpak sa lupa. Bakit? Malamang binunggo o sabihin na nating tinulak nya ako. Nasa hallway kami malapit sa room namin. Pinagtitinginan na kami dito nang mga ka-schoolmates namin. Sobra na akong nahihiya, nakakainis! Bakit nya ba kami pinaglalapit ng sahig? Alam nya bang ayokong nadudumihan ako. For sure hindi nya alam! My gahd!

"Nakaharang ka kasi." Nakapamulsa pa nyang sinabi yun.

"Yan na lang ba laging isasagot mo? Bwisit ka talaga!"

Nang akmang tatayo na ako eh bigla akong napaupo ulit. Ang sakit nang binti ko na-sprain yata. Shemay ang sakit. Mukha na akong kawawa dito. Ang dumi ko pa plus pa pinagtitinginan na kami, sana kainin na ako ng lupa since close na naman kami.


***

Lyndon's POV


Pinagmasdan ko lang si Lexi habang nakasalpak sya sa lupa. At halata sa mukha nyang nabwibwisit na sya.

Sinadya kong bungguin sya. Gusto ko lang syang asarin pero hindi ko inaakalang ma-iisprain ang binti nya.

Lumuhod ako para ka-level ko lang sya.

"Ayos ka lang?" Plain na tanong ko sa kanya.

Tiningnan lang nya ako nang masama at umiwas agad sya nang tingin. Bakas sa mukha nyang papaiyak na sya. Sobrang pula na nang mukha nya. Pero kahit ganyan ang itsura nya ngayon maganda pa rin sya.

Wala na akong nagawa kaya binuhat ko sya.



***

Lexi's POV


Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip nang lalaking ito at binuhat nya ako.

"Ano ba! Ibaba mo nga ako!" Pinaghahampas ko sya sa likod.

Yung buhat kasi nya sa akin yung parang bumuhat lang sya nang sako nang bigas. Like Grrrr. Ang ganda kong sako ng bigas ah. Tsaka isa pa naka-skirt lang ako!

"Wag kang magulo. Kung ayaw mong ihulog kita." Pagbabanta nya sa akin.

Wala na akong nagawa at nanahimik na lang. Nakakahiya lang dahil pinagtitinginan na kami. Pati yung mga nadadaanan namin. Plus pa nagbubulungan sila. Nagtakip na lang ako ng mukha gamit ang kamay ko, habang yung kaliwang kamay ko nakahawag sa dulo ng skirt ko para hindi sya liparin. Wala na sira na ang maganda kong image.

School Clinic.....

Nagulat ako ng nalaman ko kung saan nya ako dinala. Dito lang pala nya ako dadalhin, sa school clinic. Akala ko naman kung saan na.

Inupo nya ako sa may sofa tsaka nya tinawag yung nurse.

Pagka-spray ng nurse nung gamot sa binti ko. Medyo okay na ko hindi na sya ganun ka sakit hindi tulad kanina.

"Ayos ka na ba?" Tanong ni Lyndon sa akin.

"May gana ka pang magtanong ng ganyan ah. Eh kasalanan mo naman to hindi ba? Kapal nito."

"Wag ka nang gumanyan. Kaya nga dinala kita dito."

"Tsk. Ang epal mo talaga Lyndon. Inaano ba kita at lagi mo nalang akong inaasar."

"Basta."

"Bakit nga?" Pangungulit ko pa.

"Basta nga."

"Aissh pwede ba itigil mo na yan at naiinis na talaga ako sayo."

Lumuhod sya, yung isang tuhod lang nya ang nakaluhod. Nakatayo kasi sya samantalang ako ay naka upo. Ginawa nya yun para ka-level nya ako. Buti na lang at naisip nya yun. Nakakangawit kayang tumingala.

"Kahit ano pang sabihin mo hindi kita lulubayan. Kaya wag ka nang maarte dyan."

Pagkatapos nyang sabihin yun ngumiti sya. At nakakabigla lang may itsura pala sya. Ngayon ko lang din natitigan ang mukha nya ng maayos. Lagi kasi pagtinitignan ko sya ini-imagine ko na tino-torture ko sya. Naiinis kasi ako sa kanya sobra.

Mukha syang bad boy eh pero disente naman yung ayos nya, unlike sa ibang bad boy dyan ang dugyot. Yuck lang. Sya ang linis nyang tingnan.

Pagkatapos nyang ngumiti, nilayasan na naman nya ako. Hobby nya talaga yun. Ang umalis nang walang pasabi tapos susulpot from no where.

Ako nama'y hindi pa rin maka-move on sa ngiting yun. Ngayon ko lang sya nakitang ngumiti. Lagi kasi syang nakapoker face. Para kasing kay tagal kong hinintay na ngitian nya ako.

Aish ano ba yan gutom lang siguro ako. Tama kanina pa ako hindi kumakain eh. At ngayon ko din napansin hindi na ako nakapasok sa klase.

Miss Maarte meets the Gangster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon