Si Gab ay isang matipunong binatilyo, matangkad, gwapo at kilala sa kanilang unibersidad bilang manlalaro ng basketball.
Zach, Nikko, Jon at Matt ang pangalan ng mga tropa niya. Lagi silang magkakasama bukod sa magkakasama sila sa basketball team, magkakaklase rin sila. Si Gab ang lider ng grupo nila. Palibhasa mga sikat madami ang may ayaw sa kanila dahil mayabang kuno.
Limang minuto na lang bago magsimula ang klase kaya nagmadali silang tumakbo papunta sa kwarto nila.
Pagpasok nilang lima ay saktong tumunog ang bell.
Kringgggg!!!
Nagsidatingan na din ang mga kaklase nilang iba. Dumating na si Ms. Helda kaya nagsipag-ayos na sila ng kaniya-kaniyang lamesa at upuan. Sa kalagitnaan ng klase ay may kumatok sa pinto ng kwarto.
—
Gab's POV
Sino kaya ang naglakas loob na umistorbo sa klase ni Mam Helda? Hahaha lagot kang bata ka!
—
Binuksan ni Ms. Helda ang pinto ng may inis. Bumungad sa kaniya ang isang lalaking nakayuko. Kasama nito ang Guidance Counselor na si Mr. Tiu.
—
"I'm sorry Ms. Helda for disturbing but I am here to admit a new student to this class. He's a transferee Ma'am so please assist him. Guys, be nice to him okay?"
"Yes, Sir!"
"Okay thanks, Mr. Tiu. Ako na ang bahala sa kaniya. Please occupy the sit at the back."
—
Zach's POV
Really? Magiging kaklase ko 'yan? With that poor porma? Hahaha!
—
Nagpatuloy sila sa kanilang klase ngunit si Rica—ang kanilang class president ay tila napaisip sa personalidad ni Gio. Gio ang pangalan ng bagong estudyante sa klaseng iyon.
—
Rica's POV
Cute but he looks so strange. Parang may something dito sa bago naming kaklase. I don't know pero siguro bago lang siya kaya ganyan siya. 'Di bale lalabas din 'yan.
—
Hindi kumikibo si Gio hanggang matapos ang klase. Tila may bumabagabag sa kaniya dahil hindi rin niya magawang tingnan ang mga nasa loob ng klaseng iyon.
Natapos na ang klase ni Ms. Helda ng sarado pa rin ang bibig ni Gio. Oras na para sila ay mag-recess.
Nilapitan ng magto-tropang sila Gab itong si Gio.
—
"Bro, Zach." Makikipag-kamay sana si Zach kay Gio ngunit hindi siya nito pinansin.
"Brad, kanina ka pa tulala ah. Okay ka lang ba?" Tanong ni Matt ngunit walang imik itong si Gio.
YOU ARE READING
Don't Talk To Strangers
Mystery / ThrillerPaano kung ang akala mong kilala mo na ay isa pa rin palang estranghero sa iyo?