2

683 4 0
                                        

Gio's POV

Bakit ba ang hirap makisama sa mga tao? Bakit hanggang ngayon hindi ko pa rin maiwan yung mga ala-alang bumabagabag sa akin? Hindi pa ba sapat ang hindi ako patulugin ng mga bangungot ko? Sinong pwedeng tumulong sa akin? Sino?

Mag-isa lang na pumunta si Jon sa gym. Pansamantala muna siyang hindi sumama sa kanilang grupo. Habang nagbibihis sa locker room ay biglang tumunog ang kaniyang cellphone. May natawag sa kaniya ngunit numero lang ang nakalagay dito. Nagdalawang-isip siya kung sasagutin niya pero sinagot niya rin.

"Hello?" Jon.

Makailang beses niyang sinagot ngunit walang nagsasalita at walang naririnig bukod sa tunog ng isang radyong grounded. Hanggang sa...

"Huwag kang magsasalita sa kung anong alam mo. Kung hindi..."

Nabitawan ni Jon ang cellphone niya dahil sa gulat at kaba. Malalim ang boses ng nagsalita at tila hindi pangkaraniwan ang dating ng tono nito. Ilang sandali lang ay dumatin na yung ibang players kasama sina Gab, Zach, Nikko at Matt. Kinuha ni Jon agad ang phone niya at hinimasmasan ang sarili.

"Jon, san ka kanina?" Kasabay ng tapik ni Matt.

"Ahh, wala. Dumiretso lang ako dito pagkagaling ko sa bahay." Jon.

Dumating naman sa locker room ng basketball players ang kanilang coach.

"Attention, boys! Sa susunod na linggo ay may tune-up game kayo kalaban ang mga seniors. So keep practicing! Lalo na ikaw, Jon! Palagi ka na lang lowest pointer sa team. Ipapasok kita sa game kaya mag-praktis ka!"

"Yes, coach!" Jon.

"Okay, be prepared may training tayo 5 PM."

Agad nagkatinginan si Nikko at Gab. Balak kasi nila na mag-hangout at ayaw nilang mag-clubbing ng pagod. Pinag-usapan nila ang plano at mga dahilan na pwede nilang i-excuse. Inalok nila si Jon kung gusto ba nito sumama ngunit tumanggi ito.

"Sigurado ka?" Gab.

"Oo nga, ang tagal na nung huli nating hangout bro tapos aayaw ka pa?" Matt.

Don't Talk To StrangersWhere stories live. Discover now