Sa bawat pagaspas ng ibong lumilipad

31 1 0
                                    

                                               Sa Bawat Pagaspas ng Ibong Lumilipad

          Sa Probinsya ng Quezon ,nakatira ang pamilyang Tingal.May kaya sa buhay ang pamilyang’to.Pagsasaka ang trabaho ni Mang Inggo samantalang labandera naman ang asawa nito.May isa silang anak na nag-ngangalang Jomark.Isang 4th year student sa kanilang bayan.Malapit na itong magtapos ng hayskul.

          Umuwi ang ama nito galing sa bukiran.Pagod na pagod dahil narin sa tindi ng sikat ng araw.”Mano po  ‘tay “.Nagmano si Jomark at binigyan nya ng tubig ang kanyang ama.

          “Nak ngayong darating na  pasukan gusto kong mag-aral ka Maynila.nabalitaan ko kasi na may nag-bibigay doon ng scholarship.Diba kilala mo yung kumpare Vino?abay tingnan mo yung anak nun nakapagtapos ng Inyenhero pero kaunti lang ang binayaran  per sem.Saka wala namang malapit na Unibersidad sa bayan natin.”Sambit ng ama nito.

“Sige po ‘tay pero ngayon pong darating na bakasyon ,tutulong po ako sa inyo sa pag-aasikaso ng palayan.Para naman po  hindi kayo masyadong nahihirapan.”

“Alam mo ang swerte namin ng nanay mo sa iyo.Hindi mo kami binibigyan ng sakit ng ulo at isa pa napakamatulungin mong anak.Ngumiti na lamang  ang binata bilang sagot sa ama nito.

            Lumipas ang  ilang buwan at  araw na ng pagtatala sa Maynila.Nakapasa kasi ‘to sa Entrance Exam.Kumuha ito ng kursong Civil Engineering dahil ito ang  pangarap nya sa buhay na nais nyang makamit.Nung nagsimula na ang pasukan,buwanan nalang kung umuwi ang binata sa probinsya  sa kadahilanang mahal ang pamasahe .Sa tuwing uuwi ‘to sa kanila  ,binibigayan sya ng allowance ng kanyang amapara pambayad sa Bording House at iba pang gastusin sa paaralan.Noong unang umuwi ito sa kanila,ipinagmamalaki sya ng kanyang ama sa mga kumpare nito.

 “kumpare yan na ba ang anak mong sa Jomark?Aba!binata ah!.”

“OO sya na nga yun.Siya yung kinukwento ko sa inyo na nag-aaral sa Maynila at balang-araw  magigi syang Inyenhero.”Sagot nito sa kumpare nya.

“Napaka-swerte mo naman sa anak mo.Kung hindi lang nakapag-asawa ng maaga ang  anak kong si Leny ,isa na sana syang guro.”halatang nadismaya ito sa sinapit ng kanyang anak.

            Linggo ng hapon ng muling lumuwas si Jomark.Papasok na ng kwarto  ang binata ng makasalubong nito ang isang dalaga.

“Hello.Bago ka lang dito?”tanong ng dalaga.

“Oo eh.Wala pa nga ako masyadong kakilala dito.”sagot ng binata na kasalukuyang binubuksan ang pinto ng kanyang kwarto.

“ilang araw ka na dito at ngayon lang kita nakita?”Muling tanong ng dalaga.

“Uhhmmn mahigit isang buwan na .Hindi kasi ako masyadong naglalabasdahil abala ako sa pag-aaral .Gusto kasing makapagtapos ng pag-aaral at ng may marating sa buhay.

“Ay!Sorry! naabala ata kita.Pero kung gusto mo ng kaibigan nandito lang ako .Magkatabi lang naman tayo ng kwarto.Sige una na ako malamang hinihintay na ako ng mga kabarkada ko.”Tuluyan na ngang umalis ang dalaga.

            Pumasok na ito sa loob ng kwarto nya.Kinuha nya ang libro nya sa ilalim ng unan at sinimulang magbasa.Mareon kasi silang mahabang pagsusulit bukas.Habang abala ito sa pagre-review, bigla na lamang may nagtawanan sa kabila tila nagkakasiyahan.Hindi nya ito pinansin at patuloy sa pagbabasa hanggang sa matanto nya na wala na palang pumapasok sa isip nito.Tumayo ito upang pagsabihan ang mga nasa kabilang kwarto.

“Tok!tok! katok “katok nya sa pintuan.agad din naman syang pinag-buksanat halos lahat ng nasa loob ay natahimik.

“Oh !ikaw lang pala neighborhood .Bakit ka naparito?Tanong ng dalaga

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sa bawat pagaspas ng ibong lumilipadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon