Special Chapter 01: What If
Tiffanie was so exhausted with work; pag-uwi niya sa bahay ay ramdam pa rin niya ang kapaguran ng kanyang mga mata at ang pagka-tuliro ng kanyang utak.
Isang buwan at mahigit na siya sa bago niyang trabaho at nagsimula na siya sa live process. Nasaktuhan naman na andami-dami agad niyang natanggap na request. Her training was already done but she was still in the learning process, kaya naman tanong ng tanong pa rin siya sa mga katrabaho. Good thing, her workmates are nice especially Xael. Ito ang nag-train sa kanya at umaalalay madalas tuwing nawiwindang siya sa mga requests niya.
"How's work?" James asked when she reached upstairs. "Napa-OT ka, ha. Sana sinabi mo, sinundo na lang sana kita."
"Okay lang, 'no. Okay naman yung trabaho, andami lang." Nagkusot siya ng mga mata at lumapit rito. He was in the kitchen, cooking dinner. Amoy na amoy niya ang kalderetang niluluto nito.
She looked at him. Naka-T-shirt ito at boxers, nakatali din ang buhok. Duon niya naalalang dapat na muna siyang maligo, pero bago iyon niyakap niya muna ito mula sa likuran.
Eversince she returned to INKD, she was being extra-nice and extra-sweet to him. Gusto rin niya kasing bumawi dito sa lahat ng kasungitan niya.
"Sinusuot mo ba yung salaming bigay ko sa'yo?" tanong nito.
"Oo naman," sagot niya. "Ang sarap naman niyan..." The aroma of the dish made her salivate. Kanina pa siya natatakam dito. She couldn't wait for dinner.
"Alin? Yung kaldereta o ako?"
She cringed. "Yung kaldereta, siyempre!"
James seemed to not like her answer. Iniwan nito ang wooden ladle sa pinaglulutuan bago humarap sa kanya. He placed his arms around her and pulled her closer.
"Ayusin mo yung sagot mo, Tippy, kung hindi, si Isla lang ang kakain ng hapunan," seryosong sabi nito. Kita na naman niya sa mga mata nito ang pagka-pilyo.
She laughed before giving him a peck on his cheek. "Sige na, sige na. Ikaw na yung mas masarap kahit hindi! Maliligo muna ko."
Hinawakan niya ang mga braso nito para tanggalin ang mga iyon pero hindi nito iyon tinanggal. Sinamaan niya ito ng tingin.
"Bakit?"
She felt something hard poked her stomach. Tumingin tuloy siyang paibaba at pinamulahan siya ng pisngi sa napansin.
"Wala."
Kumalas ito ng pagkakayakap. "In fifteen minutes, okay na 'tong niluluto ko."
Pagkalakad niyang palayo ay humabol pa ito ng kumento bago ito bumalik sa pagluluto.
"Your blouse and skirt suits you."
She looked down at her outfit. Simpleng white blouse lang iyon at gray na pencil skirt. She wondered why he even commented that.
Pagkatapos niyang maligo ay nakahanda na ang hapunan sa mesa. Siya na lang ang hinihintay. Isla was also there, nauna na nga itong kumain at minumudmod na nito ang mukha sa pulang food container.
When they began eating, she also started sharing her office stories to James. Maganda yung simula kaso naging rant naman sa huli.
BINABASA MO ANG
Glimpses (special chapters)
General FictionA special chapter collection of my finished works. (including short stories/fanfics that were tagged as completed) Rating: G to SPG Language: Taglish/Tagalog