Special Chapter 01: Cravings
Julie leaned her back on Simon's legs as she was watching Battle Royale. Nakaupo ito sa may sofa at busy sa laptop habang siya naman ay nakaupo sa sahig at tutok sa pinapanuod.
Patapos na ang palabas sa Japanese channel. Kahit walang subtitles ay naintindihan pa rin niya dahil ilang beses na niya iyon napanuod dati.
"Si, anong masasabi mo sa story?" Lumingon siya dito pero hindi siya nito napansin.
She decided to get his attention by biting his knee. Pakiramdam niya na para siyang naka-pustiso na kumakagat sa mansanas."Jul, what are you doing?" natatawa nitong sabi bago tingnan ang ginagawa niya.
"Nagpapapansin," sagot niya. "Hindi na naman ako pinapansin ni Simon kasi mas maganda yung Macbook niya kaysa sa'kin. Kailangan ko na ata ng make-over." She pouted.
Tumigil ito sa pag-t-type.
"Sorry, may binabasa kasi ako kanina. What were you saying a while ago?""Tinatanong ko kung anong masasabi mo sa story ng Battle Royale. Yung magpapatayan hanggang sa may mag-su-survive dapat na isa lang."
She knew he wasn't paying attention to the movie but she already told him the summary of the plot earlier.
"Well.." Ibinaba nito ang laptop sa tabi. She took the opportunity to place her arms over his knees. "It's just like in real life. Kung hindi tayo lalaban sa external and internal forces, we won't definitely survive."
"Eh paano kung kasali tayo sa Battle Royale tapos dalawa na lang tayong natira sa huli. There could only be one winner. What would you do?"
He patted the cushion, motioning for her to sit beside him. Sumunod naman siya. Itinaas niya ang mga binti niya at pinatong sa mga tuhod nito.
"I'll just let you kill me so you could win," mabilis na sagot nito sa kanya bago ito ngumiti. He placed his hand on her thigh, caressing it with his thumb.
"Weh! Etchos ka lang, pero 'pag totoo na 'yang nangyari... Uunahin mo pa ring iligtas yang laptop mo eh. Workaholic!" She stuck her tongue out.
"Sorry about earlier, may binabasa lang akong importanteng emails ng clients." He touched her cheek, lightly pinching it. Sinimangutan niya ito. "But I'm not really kidding, Jul. What's the point of winning if I can't be with you?"
Humalakhak si Julie. Sa loob-loob niya namamatay na ata siya sa kilig. Pakiramdam niya gusto niyang mag-back flip sa narinig. The cold Simon is improving with the help of sappy words. Mukhang natuto na ito lalo dahil sa mga cheesy na pelikula na pinanuod nilang dalawa.
"Kung ako yung mamamatay, gusto ko muna makipaglampungan sa'yo. Alam mo, ito yung kulang dito sa movie na 'to eh," She pointed at the television as the ending credits rolled. "Wala man lang nakipag-sex sa mahal nila bago sila namatay! Kung ako, alam kong mamamatay na rin lang ako, gagawin ko na 'no! Walang scene na ganon dito, ang lungkot-lungkot!"
Napadabog siya sa sofa. Simon laughed. Hindi naman siya nito sinusuway tuwing liberated words ang lumalabas sa bibig niya. Mukhang sanay na ito sa kanya.
"Can you still think of sex and passion in a serious time like that?"
Tumango-tango siya at kumapit sa braso nito. Napalingon siya sa TV at nakita ang isang commercial. Chicken wings. Her mouth watered. Nakaramdam siya bigla ng gutom.
BINABASA MO ANG
Glimpses (special chapters)
Ficción GeneralA special chapter collection of my finished works. (including short stories/fanfics that were tagged as completed) Rating: G to SPG Language: Taglish/Tagalog