Valentines Date (February 14- part 2)

31 3 0
                                    

Gayle POV

February 14 (part2)

Pero hindi pwede maging si Enri yung guy kasi sa internet ko siya nahanap, diba? Pero kung iisipin maigi, parang kami talaga yung magkadate kasi lahat nung pagkakadescribe eh sakto sa aming dalawa. And parehong double date with Joy and Lawrence ang peg namin. I called Joy

"Yellooowww!" sagot ni Joy. Umirap ako kahit di niya nakita

"Nasaan na kayo? Bakit ang tagal niyo ata" tanong ko at nagtitimping boses

"Andito na kami sa kanto. I saw you. Bye na" then she hung up.

"Ano daw?" tanong ni Enri

"They're here. Nagpapark na lang siguro yon" sagot ko kay Enri at naupo muli. I sighed

"Hayy. Yung babae talagang yon, ano nanaman kaya pumasok sa utak na naisip to" tanong ko

"Hayaan mo na siya. Alam mo namang may sayad yang bestfriend natin" sagot niya and he smiled. I smiled na rin.

After ilang seconds

"Yo!" tawag samin ni Joy habang papalapit siya. Tiningnan ko siya ng masama

"Explain." sabi ko agad nung nakalapit siya. She smiled innocently at kumapit kay Lawrence

"Hmm, Why don't we go inside first? It's getting cold" sabi ni Lawrence then pumasok na kami sa restaurant at umorder.

Pagkaalis ng waiter ay tumingin ako kay Joy ulit

"Ahehe. Peace? ^^v" at nagpeace sign ang luka. Inirapan ko siya.

"Huwag kang magpacute. I need an explanation. I need an acceptable reason" sabi ko

"Eh kasi-" at kinwento niya nga samin ang munti niyang plano, hindi pala Niya nila Lawrence pala.

(A/N: Wait niyo lang yung chapter ng kwento ni Joy para nasa POV niya ^^)

"At yon. I did it para magkaaminan na kayong dalawa. And, now's the chance" pagtatapos sa kwento ni Joy ay nagkatinginan kami ni Enri. Mabuti na lang at dumating na yung orders namin.

Awkward yung dinner kasi walang nagsasalita samin ni Enri, sila Joy at Lawrence lang ang sweet

"So, una na kami, Gayle" sabi ni Joy, tumingin ako kanya ng kunot ang noo

"Enri, hatid mo na lang si Gayle, may car ka naman db?" sabi niya kay Enri, pinanlakihan ko siya ng mata pero di niya kita dahil kay Enri siya nakatingin

"Sure. Ingat kayo" sagot ni Enri. Napatingin ako sa kanya at nakitang nakangiti siya.

"Okay. Bye Gayle. Ingat rin kayo" yun lang. Nagulat ako nung nag wink siya kay Enri at umalis na sila

AWKWARD

"Ahmm, tara na, Gayle? Hatid na kita. Mag 9pm na rin kasi eh" tumango lang ako at inalalayan niya na ako papunta sa car niya.

Tahimik lang ang biyahe namin hanggang sa makarating kami sa tapat ng gate namin

"So. Salamat, Enri. Goodnight" sabi ko at akmang bubuksan na yung pinto pero

"Gayle" napatingin ako sa tawag ni Enri

"Hmm?" tanong ko

"I-I"

"Huh?"

"Hayy. Ang hirap naman nito!" sabi niya at hinampas ang manibela

"Ano yon, Enri? May masakit ba? May problema ka? Ano yon? Pating-" di ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lamang akong hinalikan ni Enri sa pisngi. Nagulat ako at napatingin sa mata niya

"I love you" mahinang sabi ni Enri

"Ano?" kunwaring hindi ko rinig at kunot noo pero kinikilig ako

"I love you" ulit niya pero mahina pa rin. Kunwaring di ko narinig uli

"Huh? Ang hina ng boses mo, hindi ko marinig. Sige, goodnight"tumalikod ako at akmang bubuksan ko na ang pinto

"Psh. I LOVE YOU. I LOVE YOU, GAYLE"humarap ako sa kanya at pinulupot ang braso ako sa leeg niya, pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya at pumikit, dun ko naramdamang may tumulong luha sa mata ko, napangiti ako.

© yudonwanakno

Valentines Date (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon