Enri POV
Siguro nagtataka kayo kung bakit ako may POV? At last chapter pa? Well, sisimulan ko lng naman ang panliligaw ko kay Gayle ngayon. Alam niyo kung paano? Watch and learn ;)
6:00 am at Gayle's House
*ding dong ding dong* (Doorbell yan, wag ka XD)
"Oh? Ijo? Kay aga mo naman yata?" Mama pala ni Gayle KO nagbukas ng pinto. Buti na lng kilala ako dito
"Ah. Opo. Hmm, gising na po ba si Gayle?" tanong ko. Sana hindi
"Ay. Hindi pa. Gusto mo bang gisingin ko?" akmang tataas na si MAMA pero pinigilan ko siya
"Wag na po. Kayo po talaga ang pinunta ko dito" tumingin naman sakin si MAMA ng nagtataka
"Ano naman ang kailangan mo sa akin?" ayan na. Kinakabahan ako. Mahirap pala to. Nakakabading sht. Pero para sa LOVES KO!
"Ano po, hmm, hihingi po sana ako ng permiso na ligawan si Gayle?" mukhang nagulat siya sa tanong ko at nangunot ang noo niya. Halaaa. Ito na
"Hindi pa ba kayo?" HUH? Nangunot na rin ang noo ko
"Hindi ba kayo ni Gayle? Akala ko kayo na? Matagal na? Ang close niyo kasi, tsaka kapag tumitingin kayo sa isa't-isa, may something" sabi ni MAMA. Natuwa naman ako dun
"Talaga po? Hahaha. Naku, ngayon lng po ako nagkalakas ng loob manligaw. Kaya po humihingi ako ng permiso mula sa inyo" ngumiti lamang si MAMA. ALAM NA THIS! XD
"Hihindi pa ba ako? Eh halata namang gusto niyo ang isa't-isa. Nakuu, kung nandito lng ang papa niya, siguradong magtatatalon yon sa tuwa. Akala kasi namin tomboy yun at walang pinapakilalang lalaki bukod sa inyo ni Lawrence" natawa naman ako dun. Sayang nga, kung buhay pa sana si PAPA, eh di mas masaya. Wag po kayo mag-alala, papa. Aalagaan ko Prinsesa niyo, natin.
"Salamat po Mam-- Ay, tita! Maraming salamat po talaga! Hindi ko po papabayaan ang anak niyo!" sa sobrang tuwa ko ay nayakap ko pa si MAMA.
"Hmm. Anyare?" napahiwalay ako bigla kay MAMA kasi nasa likuran na pala si Gayle KO.
"Wala. Alis na po ako Tita, maaga pa po flight ko eh. Bye po" mukhang nagets naman ni MAMA ang trip ko kaya nakiride din siya
"Naku. Sige Ijo, ingat ka dun sa US ha? Balitaan mo na lng ako"
"Sige po. Bye Tita, bye Gayle" halatang takang taka si Gayle. Tumalikod na ko sa kanila at naglakad papuntang kotse
"TEKA! MA, ANONG NANGYAYARI? SAAN PUPUNTA SI ENRI? BAKIT SIYA NAGPAPAALAM SAYO? ANO BA!?" narinig kong sigaw ni Gayle, nung una natatawa pa ko habang naglalakad papuntang kotse, hindi ko pa rin siya nakikita kasi nakatalikod ako, pero narinig ko na parang umiiyak na siya. SHT! TANGA MO ENRIQUE! PROMISE PROMISE KA PA!
"MA! PAKIEXPLAIN PLEASE KASI DI KO MAGETS! *sobs* Please" naguilty naman ako sa pag-iyak niya kaya agad akong tumakbo palapit sa kanila. Nakita kong nagpipigil ng tawa si MAMA pero naawa rin siya kay Gayle. Nakaupo na kasi siya sa hagdan sa may pintuan nila.
"Gayle, wag ka ng umiyak. Joke lng yun" pagcomfort ko sa kanya. Pareho na kaming nakaupo sa hagdan. Pumasok na rin si MAMA sa loob ng bahay nila.
"JOKE? HINDI JOKE YUNG MGA GANUNG BAGAY ENRIQUE! PUTAPETE NAMAN OH! WALANG JOKE DUN!" sigaw niya sa akin. Tumingin na rin siya sa mga mata ko, kitang kita ko na galit siya, pero nakakita rin ako ng takot mula sa mga mata niya.
"Sorry na. Wag ka ng magalit. Shh, hindi naman ako aalis eh" pangungumbinsi ko. Pero iyak pa rin siya ng iyak. Pinagsasapok niya na nga ako sa dibdib eh. Masakit pero okay lng. Kasalanan ko eh
"BADTRIP KA! ANG SAMA MO! ANG SAMA NIYO! MAGSAMA KAYO NI MAMA!" tapos ay tumakbo na siya papasok sa loob ng bahay nila.
"GAYLE!" sigaw ko pa pero dire diretso lng siya. Hayy, napaupo na lng uli ako sa hagdan. Nilamukos ko ang mukha ko sa sobrang inis ko sa sarili ko.
"Ang tanga tanga mo talaga, Enrique. Di pa nga nagsisimula, basted ka na. Badtrip naman oh!" paulit ulit na bulong ko sa sarili ko. Hayy. Di ko alam gagawin ko.
© yudonwanakno
LOL! Ganyan ang ending XD
BINABASA MO ANG
Valentines Date (short story)
Novela JuvenilThis story is about: Valentines Day Date Boyfriend Bestfriend Dare Blackmails Valentines Day. Wala kang boyfriend? Kahit suitors wala? Eh may dare kayo ng bestfriend mo. Paano na yan? Papatalo ka ba? Or, maghahanap ng Valentines Date within 5 days?