Chapter One

53 3 0
                                    

Yoonji's

"Tangina Yoonji! Ano bang tagal mo jan sa CR, alam mo bang late na tayo!?" Sigaw ni Kuya

Hindi ko na lang pinansin ang kapatid kong siraulo at nagpatuloy sa ginagawa ko.

"Aish!" buntong hininga niya.
Kahit murahin niya pa ko hanggang sa mapaos siya, hindi ako susunod sa kahit anong sasabihin niya.

Pagkalabas ko agad sa CR, si Kuya agad nakita ko.

"Pota, late na tayo sa kabagalan mo."

"Okay." sagot ko at pumunta na sa kwarto para magbihis

Bakit pa ba nauso ang pumasok sa school kung ang pagaaralin mo lang din naman ay paulit ulit? Kung hindi lang talaga ako sasabihang "walang kwenta" ng pamilya ko, matagal na akong hindi nagbalak na pumasok at mag-aral.

Bumalik naman ako sa mundo ng mga tao ng biglang nagring ang cellphone ko.

"Bwiset." tangi kong nabanggit ng makita kong ang kaibigang lata ko lang pala ang nagtext

"Yoonji beshtieeeee!! 😑😽 Nasan na kayooo ni Kuya Yoongi!!????? 😣 😓😪😿Malapit ng magstart yung klase!!!!!! 😮😵🚨 🚨 🚨 Ajujujujuhuhujuhuhu 😫😭"

Ang sakit sa mata ng emoji ng babaeng 'to, kelan kaya 'to titino?

--

"Ikaw kasi Yoonji, ang bagal bagal mo!" reklamo ni Kuya pero siniringan ko lang siya, anong gusto niyang gawin ko? Ibalik ang oras?

"Mr. and Ms. Min, why are you late?" Salubong ng teacher sa unahan

"Sorry Sir pero nalate po kami ng gising." banggit ni Kuya, at lahat ng sermon na nakuha namin sa teacher na yun ay wala na akong pakialam.

"Okay, you may take your sit."

"Beshtie!! Dito ka na sa tabi namin ni Nami!!" pabulong na sigaw ni Hope, wala na akong choice kaya umupo na lang ako sa tabi ni Nami

"Huy Yoonji, alam mo ba yung pinsan ni Hope, kaklase natin!" Balita sakin ni Nami

"Oh? Talaga?" Saracastic kong sabi, as if may pake ako

"Hay nako Yoonji, first day ng school, beastmode ka na naman!"

"Hindi ako beastmode, hindi lang talaga ako interesado."

"Weeh? Tingnan mo yun, katabi nga ng Kuya mo." sabay turo sa Kuya kong nakikipagkwentuhan doon sa pinsan daw ni Hope, hmmmm

"Mukhang kabayo." banggit ko

Napangiti naman si Nami sa sinabi ko at hinampas ako ng marahan

"Hindi daw interesado! Ikaw ha! " Saad pa nito.

"Okay class, dahil first day ninyo ito, I will let you talk to your other especially new classmates so everyone will get to know each other." banggit ni Sir

"Whaaaa!!! Finally, makakapagingay na rin akooooo!! Whooooo!!! Partey partey!!" Sigaw ni Hope, kahit kelan hindi babagay sa pangalan niya ang ugali niya.

"Oyy Yoonji!! Ikaw naman papakilala ko kay Koya Hoseok, gusto kasi non maraming beshtiess!!" Sigaw sakin ni Hope

Bago pa ko makasagot, hinila na ako ni Hope papunta sa upuan ng pinsan niya

"Koya, meet Yoonji, Yoonji, meet Hoseok."

"Ahhhh, ikaw pala yung kambal ni Yoongi?" Manghang tanong ni Hoseok at siniringan ko siya

Min Yoonji | BTS Fan FicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon