Chapter 2 - Monday

157 3 2
                                    

Encounter

"Intramurals ba talaga? Ba't walang tao?" sabi ni Kitty.

"OA mo po, ano tawag mo sa mga yan?" mahinhin na wika ni Anne sabay turo sa mangilan-ngilan lang na tao.

"Ganun talaga kasi kapag Intramurals, imbes na pumunta sa school mas pipiliin pa nang mga estudyante na matulog" sabi ko.

Kung hindi rin lang naman ako pinilit ni Kitty na pumunta e di sana ang himbing na nang tulog ko. Kailangan kasi mag-ipon nang maraming tulog kapag nasa kolehiyo kana kasi literal na papasok ka sa klase mo na parang zombie at lutang. Chance mo na ito para mag recharge!

"Magpakuha tayo nang litrato doon oh" sabi ni Kitty patakbo sa photobooth.

Simple lang naman ang design nang backdrop. Parang mga foil lang na pinagtagpi- tagpi, mayroong mga Cd's sa magkabilang gilid at sa pinakagitna nakasulat ang salitang 'Colors Day 2020'. Mayroon din nakalaan na mga props sa gilid gaya nang big glasses, devil headband, pang clown na buhok at marami pa.

Pinili ko iyong flower crown. Devil headband naman kay Hiro at malaking glasses kay Anne. Hindi na nag abala pang kumuha sina Wade at Kitty. Pumwesto na kami at binigay ang aming napakagandang ngiti.

" 1, 2, 3 Say cheese" sabi ni kuya photographer with a big smile on his face

"Cheese" sabay-sabay naming salita na may ngiti sa labi.

Kaibigan. Napakaswerte ko sa aspetong iyan. Sina Kitty, Anne, Wade at Hiro ang nagpapagaan at nagbibigay kulay sa buhay kolehiyo ko. Nagpapatahan sa akin kapag nakakakuha nang mababang marka sa Calculus. Gumagawa nang kahit anong ka kengkoyan para mapasaya lang ang kung sino mang malungkot sa barkada. Hindi ko sila ipagpapalit sa kahit sino man. Peksman.

"Wade sorry na, bati na tayo" sabi ko kay Wade habang papaalis kami sa photobooth.

"Wade peace na tayo please" malambing na sabi ko ulit kay Wade habang nagpapacute.

Hindi niya parin ako pinapansin at nagbibingihan lang sa mga sinasabi ko. Kainis!

"Wade friends na tayo ulit" sabi ko habang patuloy ang pagkukulit at pagbubuntot ko sa kaniya.

"Punta tayo sa Maoy Monologue na event guys" sabi ni Wade kina Hiro.

"Wade kas--- Ouch" sabi ko

Habang patuloy kasi ang kakabuntot ko kay Wade hindi ko namalayan na may lalaking paparating kaya nagkabanggaan kami.

"Ang sakit nang pang-upo ko huhu" sabi ko habang tumatayo at hinihimas ang pang-upo ko. Si Wade ang dahilan nito, kung pinatawad at pinansin niya na ako agad edi sana nakatingin ako sa daan at hindi sa pangit niyang mukha!

" Miss sorry, okay ka lang?" hinging paumanhin ni kuya pogi.

"Kung ikaw rin lang ang makakabangga-an ko kahit araw-arawin mo pa ay ayos lang hihi" malandi kong tugon sa kanya.

Ang gwapo niya mga ateng! Matangkad at katamtaman lang ang katawan pero sure akong may abs hihi. Makakapal na kilay, nakakahalinang mga mata, matangos na ilong at pinkish ang lips!. In short, parang bakla. Joke lang po!

"You're funny. I'm Sian by the way" pakilala niya sabay lahad ng kanyang kamay sa akin.

"No I'm not funny, I am Lily" sabi ko sabay abot sa nakalahad niyang kamay.

Ang lambot nang kamay parang ayaw ko nang bitawan tuloy.

"Let's go! Magsisimula na ang Maoy Monologue naghaharutan pa eh" pikon na sabi ni Wade.

Itong lalaking to bakit parating galit sa akin. Siguro dahil walang nadiligan ang alaga niyang si junjun nung nakaraan na araw kasi nga binugbog niya ang kasayawan ko. I therefore conclude, Lily is greater than junjun.

"Mauna na kami sayo Sian. Kinagagalak kung makilala ka" sabi ko

"It's my honor to meet tou too Lily" sabi niya with his flashing makalaglag panty smile.

Teka lang! Check ko lang panty ko kung in place pa ba. Ay wala pala akong panty. Nakakaloka!

--------
Please vote, comment and support this story. Thank you!

- Geia ♡

Blink and You Miss ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon