Ziah's POV
''Hay nako!!, init talaga dito sa universe samahan pa ng init ng mga ulo friends ko''angal ko sabay paypay gamit ang kamay ko
''Tumigil ka nga diyan! Halata naman na mainit dito ehh nag iingay ka pa''sabi ni Billie
''Punta na kasi tayo sa mall,mapagalitan ako ni mama na ang tagal tagal ko dito''angal ni Steffi..ganyan naman siya palagi ehh pero labs ko pa rin yan
''Halika na,punta na tayo sa mall''sabi ko at kinuha na ni Billie ang susi ng sasakyan ni Steffi.Siya lang kasi malayo ang bahay kaya siya yung nagdala ng sasakyan
''HERE WE GO!''sigaw naming lahat
******************
Andito na kami sa mall pero humiwalay muna sa amin si Steffi kasi bibili daw siya ng
libro.Sa starbucks nalang daw kami magkikita ni KhateUmakyat muna kami sa 4th floor ng mall para maglaro sa TimeZone.Naglaro ako sa Dance Machine,malay niyo madiscover ako.Naglaro naman si Billie sa basketball at si Jade,bumili ng ice cream.
Habang naglalaro si Billie may napansin akong mga lalaki papunta kay Billie at mukhang maglalaro din sila.Pupuntahan ko si Billie baka awayin siya mukhang mayabang kasi yung mga lalaki ehh.
Mukhang magkakatotoo yung naisip ko.Nagkakasagutan na ata sila.
''wohoooo!''
huh??may lalaking naglalaro din sa dance machine.Mukhang madidiscover na siya ang dami kasing lumalapit sa kanya.Di pwede! ako lang dapat ang unang madiscover.
Kaya imbis na tulungan ko si Billie eh bumalik ako sa dance machine na yun at pumwesto sa katabi ng isang dance machine kung saan sumasayaw yung lalaki.YEHEY! mas madami na ang lumalapit sa akin.Mas maraming lumapit sa amin ng hamunin ko yung lalaki.
''Hey you?!''hamon ko dun sa lalaki
''me?''sabay turo sa sarili niya at lumingon lingon sa paligid niya
''yes you,hinahamon kita sa isang dance battle. Kung sino ang may pinaka mataas na score ang panalo.''
''whats the price of the winner''tanong niya sa akin
Di ko pa napagisipan ang prize. Hay nako anong gagawin ko ? Ahh alam ko na
''Saka nalang yung prize''at sabay naming pinindot yung start button at sumayaw
********makalipas ang ilang minuto********
''ughhh!!bakit nangyari yun??''tanong ko sa sarili ko.Di pwede 'to ako dapat ang nanalo
''oh miss what's the prize??"tanong niya
''hah??wala naman ata akong sinabing ganyan''pabaliwala ko.Wala akong pera eh
''Ahmm,kiss nalang''sabay kindat sa akin
''wtf!di nga kita kilala,kiss pa prize mo.Atsaka ayokong ikaw ang first kiss ko''sabay pamewang
''Miss,huwag ka ngang ganyan.Di ko naman sinabi na sa lips mo ako ikiss eh''tugon niya
''ahh,basta alis na ako''sabay punta kung nasaan si Billie
Habang hinahanap ko yung babaeng yun ehh natigilan ako kasi nasapak na ni Billie yung lalaking kaaway niya kanina
''aray!ang sakit naman nun miss''sabay hawak sa pisngi niya
''Ang kulit mo kasi eh!!''sigaw niya
''Sorry na''ang cute niya!
At nahagilap ko ng tingin si Jade.Biglang may yumakap sa kanyang bata.Sa lakas ng yakap nung bata,nahagis niya yung hawak niyang ice cream at sabay bagsak sa mukha nung lalaking nasa harap niya.
Mukhang triple trouble na 'to ah
''Miss,saglit lang yung bag mo''sigaw nung lalaking nakaalitan ko kanina
''Thanks!''sabay kuha nung bag ko at pumunta kay Jade
''Miss!di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo??''tanong nung lalaking nahagisan niya ng ice cream.
''MAMAHH! si Papa sumisigaw''mas lalo pang humigpit yung yakap nung bata kay Jade
''ahmm.. bata hindi ako yung mama mo at hindi ko siya asawa..baka siya lang yung papa mo pero hindi ako yung mama mo''sabi niya sa bata
''wtf!di ko rin anak yan''sabay punas sa mukha niya
''Anak!''sigaw nung isang babae at yinakap niya yung bata na nakakapit pa rin kay Jade
''mama''iyak nung bata
''ahmm..miss sorry po sa abala ha.Maraming salamat din po kasi binantayan niyo po anak ko,eto nga po pala wipes para po punasan niyo mukha nung boyfriend niyo''sabay abot kay Jade ng wipes
''Ale,di ko po siya boyfriend''sabi ni Jade sabay abot sa lalaki nung wipes
''Ay,sorry miss.Bagay pa naman po kayo''at umalis na yung mag-ina
''Grabe!Jade pinagkamalan kayo nung bata na mag asawa ngayon pati yung ale pinagkamalan kayong mag jowa''sabay tawa
''miss!yung prize ko''ano ba yan!andito pa rin yung lalaking yan
''Magkakilala kayo??''tanong ni Jade sabay turo sa aming dalawa
''HINDI!''sigaw ko
''oh,pre anong nangyari sayo??''sabi nung lalaking nakalaban ko sabay tapik sa braso ng lalaking natapunan ni Jade ng ice cream
''Kilala mo siya??''tanong ko
''oo,katropa ko yan eh.Siyanga pala miss ako si Chester''sabay abot sa akin ng kamay
''Halika na!''sabay hila ng kamay ko ni Billie
''Andoon na daw si Steffi sa starbucks kanina pa niya tayo hinihintay''balita sa akin ni Billie.
YOU ARE READING
Gangster Clash
Novela JuvenilThere are two groups of gangster..the KING'S...and the QUEEN's....oh di ba parang royal But suddenly magkikita sila in unexpected scene...kung saan dun din magsisimula ang away ng dalawang grupo....Ang tanong??? Sino sa dalawang grupo ang unang mafa...