Story

28.9K 61 12
                                    

Ang Ibong Adarna

Noong araw sa kaharian ng Berbanya, may isang hari na may tatlong anak na lalaki.
Si Don Pedro ang panganay.
Don Diego naman ang pangalan ng pangalawa.
At si Don Juan ang bunso sa tatlong prinsipe.
Maligaya sana ang buong kaharian, nang biglang magkasakit ang hari na si Haring
Fernando.
Maraming manggagamot ang tinawag, pero walang makapagpagaling sa kanya.
Lungkot na lungkot ang tatlong anak ng hari dahil habang tumatagal, lumalala ang
sakit ng kanilang ama.
Isang araw, dumating ang isang ermitanyo.
Nang tingnan ang sakit ni Haring Fernando, sabi ni ermitanyo,
“Walang gamot dito maliban sa awit ng ibong Adarna.”
“Saan makukuha ang ibong Adarna?” sabay-sabay na tanong ng tatlong prinsipe.
“Sa Bundok Tabor, pero mahirap ang paghuli,” ang sagot ng matandang ermitanyo.
“Hindi bale,” sagot ni Don Pedro,“ako ang unang hahanap sa ibong Adarna.”

Katakot-takot na hirap ang pinagdaanan di Don Pedro sa paghahanap sa ibong Adarna.
Maraming bundok at gubat siyang narating pero hindi niya nakita ang Bundok Tabor.
Nagtiis siya ng maraming gutom at pagod bago niya nakita ang bundok na hanap niya.

Sa Bundok Tabor nakatira ang ibong Adarna, sa isang magandang-magandang
punongkahoy.
Piedras Plata sang tawag sa punong iyon.
Tuwing gabi, umuuwi ang Adarna sa puno para matulog.
Naghintay si Don Pedro sa ilalim ng puno.
Balak niiya, pag natulog ang ibong Adarna, saka niya aatakihin ang puno para hulihin
ang ibon.

Dumating ang ibong Adarna sa Piedras Platas.
Magandang-maganda ang ibong Adarna.
Daig ang reyna sa ganda ng kanyang balahibo.
Bago matulog, umawit ito nang pitong ulit at pitong ulit din na nagpalit ng
magagandang kulay ang kanyang balahibo.
Dahil sa ganda ng kulay at awit ng Adarna, hindi napigilan ni Don Pedro ang antok.
Masama iyon dahil bago matulog, umiipot ang Adarna at ang malalaglagan ng ipot ay
nagiging bato.
Nang mangyari ito, naging bato si Don Pedro.

Sumunod si Don Diego kay Don Pedro.
Nagtiis din siya mg maraming gutom at hirap bago narating ang Peidras Platas.
Pero dahil sa sarap ng awit ng Adarna, nakatulog din si Don Diego sa ilalim ng puno.
At tulad ni Don Pedro, naging bato si Don Diego.

Nang hindi umuwi si Don Diego, sumunod namang naghanap si Don Juan.
Nagtiis din siya ng maraming gutom at hirap.
Isang matandang ketongin ang nasalubong niya sa daan.
“Amang,” pakiusap ng matanda kay Don Juan, “pahingi naman ng kaunting tinapay at
tubig.”
Naawa si Don Juan.
Tila mamamatay sa hirap ang matanda.
Ibinigay niya sa matandang ketongin and kanyang natitirang tinapay at tubig.

Biglang nagbago ang anyo ng matandang ketongin.
“Salamat, Don Juan,” nasisiyahang sabi nito.
“Dahil sa iyong kabutihang-loob, tutulungan kita. Alam ko kung paano mo mahuhuli
ang ibong Adarna. Ang mabubuting tulad mo lamang ang maaaring humuli sa
Adarna.”

Tinuruan ng matanda si Don Juan ng gagawin.
Pagkatapos, binigyan niya si Don Juan ng tatlong bagay: kalamansi, labaha, at isang
bote ng agwa bendita.
Tuwang-tuwa at nagmamadaling pinuntahan ni Don Juan ang bundok na tirahan ng
ibong Adarna. Nang dumating ang Adarna, nakahanda na si Don Juan.
Pinilit niyang labanan ang antok habang umaawit ang ibon.
Pag inaantok na siya, hinihiwa niya ng labaha ang braso at pagkaraan ay pinapatakan
ng kalamansi.
Dahil sa kirot, nananatiling gising si Don Juan.
At pagipot ng Adarna, nakailag si Don Juan.

Nang pumikit ang Adarna, hinuli ito ni Don Juan.
Pagkatapos, winisikan niya ng agwa bendita ang mga bato sa ilalim ng Piedras Platas.
Naging mga tao ang mga batong nawisikan niya.
Kasama sa naging tao sina Don Pedro at Don Diego.
Tuwang-tuwang nagyakap ang tatlong magkakapatid.
Noon din ay bumalik sila sa kaharian ng Berbanya.

Nang marinig ni Haring Fernando ang awit ng Adarna, parang himalang bigla siyang
gumaling at lumakas.
Nagdiwang ang buong kaharian sa nangyari.
Hangang-hanga sila sa katapangan ni Don Juan.
Pero higit sa lahat, hangang-hanga sila sa ganda at milagrosong awit ng ibon Adarna.

Ang Alamat Ng Ibong AdarnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon