Epilogue

3 0 0
                                    


Normal naman sa buhay ng isang tao ang magmahal.

Kumbaga sa madaling salita, hindi mawawala yan sa buhay natin.

Iba't ibang klase ng pagmamahal. Iba't ibang panahon kung kailan naranasan.

Naranasan sa iba't ibang tao.


Pero kaakibat ng pagmamahal ang "sakit".

At dahil kaakibat nga nito, masasabing hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan o naranasang masaktan.


Isa sa pinakanagpagulo sa isipan ko ay yung mga katanungan na tungkol sa pag-ibig. 

Lagi kong iniisip na ang bata ko pa para dito. Bakit ba pinoproblema ng isipan ko?

Ultimo sa pagtataka kong yun, naguluhan pa rin ako.


Sa mga katanungang aabot na ata sa milyon na paikot-ikot sa isipan ko, nagalit na ata si universe sa akin.

Kaya ayun, isa-isa nyang binigyan ng mga kasagutan ang mga tanong na nagpapabagabag madalas sa buong katauhan ko.


At sa hindi inaasahang pagkakataon, sinimulan niya sa huling tanong.

"Ang bata-bata ko pa! Bakit ba kasi pinoproblema ng utak ko 'tong pag-ibig na 'to?"


"Age doesn't matter dear." sabay pitik sa daliri at dahan dahang bumuhos ang mga gold na glitters na nagsilbing background.

"S-sino ka?" gulat kong tanong dahil malambing na boses lang ang naririnig ko ngunit wala akong nakikitang tao o kung ano man bukod sa mga falling glitters na nakapalibot sa kinatatayuan ko.

"I'm your worst nightmare."

"Ha?!"

"Basta. Ang ingay kasi ng utak mo teh. Wag ka mag-alala bibigyan ko ng mga kasagutan yang mga tanong mo sa abot ng makakaya ko." 


"Paano?"


Hanggang Saan?Where stories live. Discover now