Chapter 1: MRS. AND MR. CORTEZ
MRS. CORTEZ POV
"Talaga bang hindi ka mag titinong bata ka?! Ampon ka na nga perwisyo ka pa! Hah!!! Hindi ka kakain! Nakailang plato kanang na basang! Naku, pabigat!! "
Pinagpapalo ko ang batang kaharap ko dahil nakabasag nanaman siya ng plato.
Hinampas ko sya ng hinampas dahil sa sobrang galit ko! Pinagaaral ko naman siya, pabigat talaga kahit kelan.*flashback
Ungaaaaaa Ungaaaaaa
"Lito, tignan mo nga kung ano yung maingay sa labas. Alas dose palang ng umaga oh."
Sabi ko sa aking asawa.
Naalipungatan ako dahil sa isang magandang tinig ng iyak ng sanggol,tila nahihipnotismo ka kapag narinig mo iyon.
Pero ang nakakapagtaka, wala namang may sanggol dito sa amin, kahit sa kapit-bahay o kalapit na bahay ay wala."Lina! Lina! Halika dito"
Dali dali akong tumayo at pumunta sa main door ng bahay namin.Wala kaming anak ni Lito. Linggo Linggo na nga kami pabalik balik sa Simbahan eh.
Ang hiling ko lang ay sana biyayaan kami ng anak."ang gandang bata naman niyan, pero saan yan ng galing? Saan mo nakita yan Lito?!"
"May nag-iwan dito sa tapat ng pinto natin"
Ang sagot niya.Tila lumundag ang puso ko dahil sa tuwa, biyaya ang sanggol na ito sa amin. Sa wakas!
Pero kinabahan ako bigla nang may galing na nakakasilaw na liwanag mula sa sanggol.Isang sobre. Na kulay ginto at may logo na pakpak at bungo.
"Ano yan?! Wala naman kanina yan ah!?" gulat na tanong ni Lito sa akin.
Nakakapagtaka? Saan galing ang nakakasilaw na liwanag? Bigla nalang lumabas ang sobre na ito? At sino ang nagbigay nito?
"Duon tayo sa loob" sabi ko sa aking asawa nabuhat buhat ang magandang sanggol na natutulog na.
"Buksan mo na ang sobre"
Dali dali kong binuksan ang sobre.
Nagulat ako.Dear Mr. And Mrs. Cortez,
Matagal na namin kayong minamanmanan. Gusto nyo ng anak kaya ko kayo pinagbigyan.
Ang araw ng kanyang kaarawan ay ngayon. Gusto kong lumaki siya ng mabuti at ituring na parang isang tunay na inyong anak. Hindi sya pangkaraniwan.
Ngunit pagdating ng panahon sa ikalabing pitong taong gulang nya sa mismong kaarawan nya ay siya na ay aming babawiin at wala na kayong magagawa roon. Kung may kakaiba man sa kanya ay wag kayong matatakot iyon ay normal lang para sa special na tulad nya, dahil nga hindi siya pangkaraniwang tao. Ang kanyang pangalan ay Mitch Fox "Cortez".-Queen
Lumaki si Mitch sa puder namin. Sakitin syang bata. Tinuring namin syang tunay na anak. Alam rin nyang apom sya ngunit iyong araw na sinabi namin na di namin sa tunay na anak, nagalit sya lumakas ang hangin sa paligid at nagliliparan ang mga gamit sa paligid at lumaalog ang mga gamit.
Halimaw siya!
Pinatay nya ang asawa ko!
Nabagsakan ng cabinet si Lito dahil sa kakagawan nya! Hindi ko siya mapapatawad!
--end of flashback
Bumalik ako sa realidad ng may umawat sa pagsabunot at pagpalo ko kay Mitch.
BINABASA MO ANG
MX UNIVERSITY (Full Of Mysteries)
FantasyTagong eskwelahan na kung saan hindi nag eexist sa mundo ng mga tao. Mga bagay na ngayon mo lang matutuklasan. Isang babaeng lumaki sa mundo ng mga mortal. Hanggang sa napadpad siya sa Eskwelahan na ibang iba sa mundo nyang kinagisnan. Anong mist...