»prologue

110 6 0
                                    

"Get out of my house, you useless child!" naramdaman kong tumulo ang luha ko, bago ko pinagsama-sama lahat ng mga damit ko.

"Tita, maawa kayo sa akin. Wala po akong tutuluya—"

"Don't call me that! Wala akong pamangkin na ulila! Get out of my house!" hindi ko na pinatapos ang sinabi niya, lumabas na ako ng gate nila at humagulgol.

Silly life.

I looked back at the huge mansion, sila na nga lang ang natitira kong pamilya, inabanduna pa nila ako.

Tita Melba is my father's elder sister, my parents left me to her before they went somewhere, somewhere I don't really know.

I waited them for years, but, they never come back.

Simula ng nawalan ng komunikasyon sila Papa kay Tita Melba, she made me as their house yaya. Taga-alaga ng pinsan ko, taga linis ng bahay and everything about chores.

Yeah, it sucks right?

I used to go to school, but Tita forced me to  stop. Lahat ng insurances ko napunta kay Tita Melba, basically, she stole them from my parents.

Kinapa ko ang backpack ko, buti nalang pala may naipon akong pera, kung hindi sa kalsada bagsak ko.

Naglakad ako kung saan-saan, kung saan ako dadalhin ng paa ko't kung saan ako mapapadpad.

Saan kaya ako pwede tumuloy?

Kung sa hotel ako, wala akong budget, ayaw ko naman matulog sa ilalim ng tulay.

Nag-para ako ng taxi.

"Saan punta mo,neng?" nakakalokong sagot ng driver.

Don't call me neng, I'm already big enough.

"Saan po ba pwedeng makahanap ng trabaho, manong?" Tanong ko.

"Trabaho ka sa akin, pampalipas oras." napakunot ako ng noo, ang bastos.

Binagsak ko ang pintuan ng taxi niya at nagpatuloy na nag-lalakad.

Napakamalas ko namang tao, kahit kailan talaga hindi ako magiging swerte.

"We Admit Lady Boarders."

Nabasa ko sa malayong dako, kung diyan na muna kaya ako tumuloy?

Sounds like a good idea.

Agad ko itong pinuntahan, sa wakas may matutuluyan na din ako!

"Magkano po per month?" tinanong ko sa babaeng nakaupo sa canteen, sabi nila soya daw yung may-ari.

"2,500 per month pero 1,500 advance." simple niyang sinagot.

Gosh. Ang mahal, eh 500 lang dala ko dito.

"Pwede po ba 500 po muna advance ko?" tinanong ko, nagbabakasakaling pag-bibigyan ako.

"Hoy, ano ka sinuswerte? Syempre bawal, 500 ba naman i aadvance!" ani ng babae.

Bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya, saan na ako tutuloy ngayon?

"Sige na po, wala po akong tutuluyan..." nagmamakaawa kong sinabi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 21, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Publicity Stunt™Where stories live. Discover now