Naranasan mo na ba yung, tatanungin ka ng ibang tao sa harap ng partner mo ng "sinong boyfriend mo?" Tapos ikaw, sasabihin mo "syempre wala", pero hindi mo alam kung anong idudugtong mo. Yung gustong-gusto mong sabihin na "Wala akong boyfriend, girlfriend meron." Yung gusto mong ipakilala sa lahat kung sino talaga yung mahal mo, gaya ng kung pano pinopost ng iba sa social media kung gano nila mahal yung isa't isa, pero wala eh. Takot ka sa sasabihin ng ibang tao. Takot ka sa panghuhusga. Kasi hindi lang ikaw yung mahuhusgahan, kayong dalawa. 💔
Pero pano naman kung yung girlfriend mo ang matanong sa harap mo? Hihintayin mo syempre yung sagot nya. Kunwari you dont care, kunwari sanay ka na sa ganung scene, at kunwari alam mo naman na hindi talaga pwedeng malaman ng iba. Pero diba hoping ka pa rin? Hoping ka na ipagmamalaki ka nya sa iba? Yung 1/3 ng isip umaasa na baka naman sasabihin niya sa kanila, "Girlfriend ko, si <insert name here>."Ang hirap noh? Kahit gustong gusto mo pagsigawan sa buong mundo pero di naman kayo pareho ready, di mo magawa. Mahal mo eh, you'll consider everything about her. Irerespeto mo siya, kasi ayaw mo siya masaktan. Pag mahal mo kasi, hindi ka magiging selfish; hindi siya dapat masaktan, yan yung goal mo dapat lagi.
Masakit na hindi maipagmalaki sa ibang tao ng taong mahal mo, that's true. Pero mas masakit na mahusgahan ang pagkatao mo at ng taong mahal mo. Sa love, hindi naman kelangang alam ng lahat, kase walang ibang bubuo ng magandang pagsasamahan niyo kundi ikaw at ang taong mahal mo. Ang mga tao sa paligid mo, magaling lang yan magsalita, pero wala silang alam sa buhay mo. Basta malinaw sa inyong dalawa kung gaano nyo kamahal ang isa't-isa, fvck those retarded people. Wala silang alam sa ikaliligaya mo.
- bee🐝
YOU ARE READING
"JUST 'YOU AND ME', WALANG 'THEM'"
Krótkie Opowiadania"JUST 'YOU AND ME', WALANG 'THEM'"