Chapter 2:

8 1 0
                                    

May J's POV:

Nagulat nalang ako ng makita ko si Jimin na nakaupo na sa harap ng mesa at kumakain.

Napansin nya sigurong nakatingin ako sa kanya kaya sinamaan nya ako ng tingin.

"Oh!  Para namang nakakita ka ng multo dyan!" Sabi nya

"Ah,sige. Kumain kana dyan aakyat na ako," sabi ko at pinunasan na ang kamay ko.

Nilagpasan ko na sya pero naramdaman ko nalang yung kamay nya sa wrist ko,nagulat naman ako dahil dun. Napatingin ako sa kanya.

"Ayaw mo ba akong makasabay?" Tanong nya sakin.

Napa-huh lang ako. Ayaw na ayaw kaya nya na sabay kaming kumakain.

Nagulat ako nung napatawa sya. Nainlab na naman ako,ang cute ng mata nya. Parang musika sa tenga ko yung tawa nya omaygad.

"Kumain kana ba? " bigla nyang natanong.

Ano bang nangyayari kay Jimin?

"Jimin, ikaw ba talaga yan? Kung sino ka mang mabait na kaluluwang sumapi sa asawa ko, umalis kana hindi ako sanay," sabi ko at nag ala albularyo na parang binabasbasan sya.

"Tch sira ulo," napailing sya.

Nginitian ko lang sya.

"Don't worry kumain na ako," sabi ko at tinabihan sya.

Sana palagi nalang syang ganito sakin. Feeling ko maluluha na ako.

"Pupunta nga pala ang Bangtan dito bukas," sabi nya habang kumakain

Napa buntong hininga ako. Tiyak na makalat na naman ang bahay bukas tsaka maingay. Yaya na naman ako.

"Tsaka si Lia," pahabol nya.

Ayos na eh!  Kailangan isama pa yun?!  Tsk. Hinintay ko lang syang matapos saka ko hinugasan ang ginamit nyang plato.

Nakakainis naman!  Bakit kasi kailangan laging umepal ng Lia na yun?  Ayos na eh!  Tumulo na naman ang luha sa mga mata ko. Kaagad ko namang pinahid iyon kasabay ng pagsinghot ko. Nakakainis talaga!

Nagising nalang ako ng makarinig ako ng ingay. Napamulat ako ng mata. Ang aga pa ah!  Bakit andito na agad ang Bangtan?

Inayos ko na ang sarili ko at bumaba. Andun na sila sa Living Room kasama si Lia tsk. Nakaagaw naman ako ng pansin nila.

"Good morning Mrs. May J Lee-Park! " bati sakin ni V.

Elyen talaga 'to!  Kailangan kumpleto?  Bumati din yung iba.

"Ang aga-aga nyo dito!" Sabi ko at dumeretso sa kusina.

Sumunod yung anim sakin.

"Di mo ba kami namiss?" Tanong ni Hobi oppa.

"Hindi!" Sabi ko.

"Ayy ang straightforward mo naman!" Sabi naman ni Jin oppa.

"De joke lang! Hahaha kumain na ba kayo? " pag iiba ko

"Hindi pa nga eh!" Nagdrama pa si V at nakahawak sa tiyan nya.

Kahit kelan talaga hindi nabibigo si V na patawanin kami. Hahahaha

"Ano bang gusto nyong kainin?" Tanong ko naman

"Ikaw," pilyong sabi ni Jungkook.

Binatukan naman sya ng iba.

Being Mrs.ParkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon