Chapter 7:

11 1 0
                                    

May J's POV:

"Hoy!  Kumain kana! " sigaw ko at kaagad naman syang umupo.

Ano kayang nangyari sa mata nito?  Mukha din syang zombie haha mag asawa talaga kami.

"Wag mo nga akong tingnan,naiilang ako," wow ha?

"Wow ha?  Nailang ka pa talaga ng lagay na yan?!  Samantalang kagabi kung makapatong ka sa---"

"STOP IT!  WALA PA AKONG TULOG! " sigaw nya

Huh? Gaya-gaya talaga sya! Tinalikuran ko nalang sya at naglista ng igo-grocery ko.

"Nakakainis, dapat kasi itinuloy ko nalang yun para nakatulog ako ng mahimbing," bulong nya na narinig ko naman.

Kaagad naman akong napalingon sa kanya at sinamaan sya ng tingin.

"Manyak mo!  Dyan kana nga!" Sigaw ko at nagwalk out.

Di ko naman maiwasang kiligin hihihi landi ko pota.

Naligo na ako at inihanda ang pera at gamit na dadalhin ko. Inihanda ko na din si baby. Paano ba magpaligo ng baby?

*tok tok tok*

May kumatok sa pinto kaya pinagbuksan ko iyon.

"Unni!" Sabi ko at niyakap sya.

"Handa na kayo ni baby? ---wait, anong nangyari sa mata mo?" Tanong nya

"Ah eh napuyat ako kay baby eh iyak ng iyak," pagdadahilan ko.

"Hindi mo siguro pinalitan ng diaper," sabi nya.

"Hindi ko naman kasi alam pero napalitan ko naman. Unni, pwede ba magtanong?" Sabi ko

"Nagtatanong kana eh, ano? " sabi nya

"Paano paliguan ang baby?" Tanong ko.

"Sus, di ka pa pwedeng maging ina. Dami mong di alam eh," natatawa nyang sabi at kinarga ang anak ko.

Sinundan ko nalang siya at tinignan kung paano magpaligo nh sanggol. Now I know.

"Dapat maingat ka at wag mong bibiglain ang pagbuhos tsaka mild water ang ipaligo mo sa kanya," payo nya. Tumango lang ako.

"May dala akong diaper sa bag ko. Naiwan ko yata sa sala yung bag,kunin mo nalang," sabi nya

Kaagad naman akong bumaba. Nakita ko dun si Jimin na nagse-cellphone. Kinuha ko na yung bag ni unni.

"Saan kayo pupunta?" Tanong nya

"Mamimili ng gamit ng anak ko," sabi ko at bumalik na sa kwarto ko.

Nilagyan na nya si baby at dinamitan. Prepared si unni ah!  May damit sya ng baby at pang girl talaga.

"Tara na?" Kinarga ko na ang anak ko na mahimbing na natutulog at sya naman ang nagdala ng mga gamit.

Bumaba na kami at nandun pa din ang asawa ko. Nagulat naman ako nung lumapit sya sakin at hinalikan sa pisngi ang baby ko.

"Ingat kayo," sabi nya.

Kaya ba sya ganyan kasi nandito ang ate nya?

"Hindi ka ba hahalik sa asawa mo?" Tanong naman ni unni na ikinagulat naming dalawa.

"Huh? Naku hindi na,let's go," aya ko at nilagpasan sya.

Nagulat naman ako nung hilahin nya kami ni baby pabalik at halikan din ako sa pisngi.

"Wag papagabi ha?  Ipagluluto mo pa ako," nginisian nya ako.

Kinilig na ako nung una eh tsk inirapan ko nalang sya. Tapos lumabas na kami ng bahay.

Being Mrs.ParkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon