Chapter 4

578 5 0
                                    

Nasa cafeteria sina Tin at Pamu at pinaguusapan ang kani kanilang lovelife

Pamu: Tin, NBSB ka ba? as in no boyfriend since birth?

Tin: Oo. 

Pamu: Bakit?

Tin: Ayoko lang. Nakakatakot baka magaya ako sa mga naririnig ko na niloko lang. 

Habang naguusap sila ay biglang dumating si Slater.

Slater: Tin, pwede ba kitang kausapin? pabulong na pagsabi.

Alam lahat ng estudyante sa campus na magbest friend sina Tin at Slater.

Tin: Bakit ka bumubulong?

Pamu: Sobrang mahiyain pala talaga si Slater ano?

Habang naguusap usap ang tatlo, sa bandang kanan nila ay ang grupo ng mga mayayabang at mapanghusga.

Girl 1: Hay naku.. ang ganda ganda nga tapos makikipagkaibigan pa sa isang NERD. *sabay tawa*

Girl 2: Yung ganda kasi natin girl eh pang mga gwapo at hindi mga pang nerdy lang. Ang mga nerd ba eh mga katulad mo Slater? Duwag at walang lovelife? Poor you! *sabay tawa ulit*

Si Girl 1 ang kakumpitensya ni Tin sa mga beauty pageant. May pagkamainggitin dahil nung wala pa si Tin sa campus ay sya lagi ang nananalo sa beauty pageant at madaming nagkakagusto sakanya.

Pamu: Ewan nga sainyo mga inggiterang hilaw. Tanghaling tapat sinasabayan nyo ang init ng panahon sa labas.

Girl 1: Laki mong epal..

Patayo na si Tin ng pigilan sya ni Slater.

Slater: Wag mo nang patulan. Pagaaksayahan mo lang sila ng oras. Mga walang magawa sa buhay.

Tin: Eh inaapi kana eh.. 

Pamu: Tama si Slater. Baka mapatawag kapa nyan sa office. 

Biglang dumating si Jericho, ang new transferee sa campus. Si Girl 1 ay may gusto kay Jericho kaya todo ang papansin nito sakanya.

Tin: Hay naku, Girl 1. Kung ayaw sayo, wag mong pilitin. Nagmumukha ka lang desperada nyan. Tingnan mo, ang dami pa naman naming nakakakita sa ginagawa mo. Inom ka ng kape.

Natawa ang lahat ng estudyante na nasa cafeteria nung mga oras na yun dahil sa mga sinabi ni Tin

Girl 1: Aba! talagang hinahamon mo ako! 

Tumayo si Tin at muntik na silang magpangabot pero hinila na sya ni Slater palabas ng cafeteria at sumunod si Pamu.

Pamu: Galing mo te! Ganda mo na ang tapang mo pa! Slater dapat maging matapang kana katulad ni Tin. 

Tin: O sige.. Ingat ah! 

Pumunta sina Tin at Slater sa tambayan nila: ang tabing ilog.

Tin: Anong ginagawa natin dito? May pasok pa tayo mamaya ah.

Slater: Wala lang.. tambay muna. Mainit dun sa campus baka magkasalubong kayo ni Girl 1.

Tin: Ay yun? Sarap pasakan ng sili sa bunganga sa baho ng mga pinagsasabi. *natawa si Slater sa sinabi ni Tin*

Tin: ano ba yung dapat mong sasabihin sakin kanina?

Slater: Ay wala naman. Papansin lang. HAHA

Tin: Laki mo talagang epal.

Slater: Matagal tagal na din tayong magkaibigan no? simula pagkapanganak hanggang ngayon? Nakakasawa na nga e. *Sabay ngiti*

Tin: Ang kapal mo naman! Ikaw pa talaga nagsabi nyan! *sabay tawa si Slater* Oo nga eh ang tagal na rin. Sabagay matagal na ding magkaibigan ang mga magulang natin kaya hindi na nakakapagtaka yun.

Slater: Paano kung iarrange marriage tayo?

Tin: HAHA Ano kaya yun? Uso pa ba yun? Kapanahunan pa ni kopong kopong yun! Mukhang nakalimutan mo ata yung promise natin na walang taluhan dahil magkapatid ang turingan natin. diba?

Slater: Eto hindi na mabiro at saka KUNG ang sabi ko. Natatandaan ko pa yan no. Wag ka magalala nakatatak yan sa utak at puso ko na magkaibigan lang. Wag ka din magalala dahil kahit ikaw na lang ang natitirang  babae sa mundo, hindi kita papatulan! Panget mo kaya.. *Ngumingiti pero hindi pinapakita kay Tin*

Kahit na ganun ang nasabi ni Slater, medyo may kirot sa puso nya sapagkat may gusto sya sakanya. Nung una naguguluhan pa si Slater sa nararamdaman nya for Tin pero habang tumatagal parang nakukumbinsi na nya mismo ang sarili nya na patindi ng patindi ang nararamdaman nya para kay Tin

Tin: Yabang mo! Kala mo gwapo ka? Kala mo papatulan kita? Sayo na "KAGWAPUHAN" mo! For your info may crush na ako no.    *kahit wala naman dahil ayaw pa nga nitong magkaboyfriend or magkagusto sa iba dahil sa takot na baka lokohin sya*

Natawa si Slater.

Tin: Tara na! Malelate tayo sa next class natin.

Slater: Parang gusto kong umabsent sa class ngayon.

Tin: OMG! si Slater? aabsent? HIMALAAA!!

Slater: Wag ka nga.. Ngayon lang naman. Nakakatamad lalo na pag mainit ang panahon.

Tin: Pano yan laging mainit sa Pinas? So lagi kang aabsent? 

Natawa si Slater.

Slater: Malapit na pala ang graduation natin.

Tin: Oo nga eh. Magtatrabaho ka na ba agad?

Slater: Hindi ko alam. Gusto mong magtravel around the world?

Tin: Sige ba basta sagot mo lahat ah..

Slater: Grabe ka talaga TinTin. Wala ngang trabaho.

Tin: Eh bakit ka magpaplano na magtravel kung sabi mo nga walang trabaho?

Slater: *hindi makaimik dinaan sa tawa*

Slater: Doon tayo sa duyan.

Tin: Ay naku si Slater change topic. 

Hinatak ni Slater si Tin sa duyan.

Slater: Tulak mo ako.

Tin: Ano ka? Swerte? Ang bigat mo kaya! 

Slater: SIge na TinTin *puppy eyes* Sige na.. after ko ikaw naman..

Tin: Hindi ba dapat babae muna?

Slater: Hindi ka naman babae eh. tapang tapang mo. Maton ka!

Tin: Heh! 

Slater: Please? Promise.. kahit anong gusto mo ibibigay ko o gagawin ko.

Tin: Promise yan ah.. Sige next time na ako hihiling. 

Slater: Promise.. Sige na tulak mo na ako.. Ayan.. Good! Ano ba yan! Lakasan mo naman! Hina hina! Bilis pa!

Tin: Epal ka!! Pagod na pagod na ako sa kakatulak sayo.. Ako naman!

Slater: Hindi pa nga ako nageenjoy.

Tin: Wow naman! Sa lagay na yun, hindi pa?! Ako namaaaan!!

Slater: Ano ba yan? Ang daya! Fine.. Sige upo kana!

Tin: Wag kang umangal dyan.. sabi mo after mo ako naman..

Sabay nagring ang phone.

Slater: Tara na.. May test pala ngayon. 

Tin: Huh? Kala ko ayaw mong pumasok?

Slater: Kasi kala ko walang test. hehe

Tin: Paano to? SIno tutulak sakin?

Slater: Ikaw! 

Tin: DAYAAAA! Slahtuuuurrr!!

Walang nagawa si Tin kundi pumunta ng class.

Slater: Ano kaba.. pareho tayong malalagot sa teacher natin.

Tin *Sigh*

Nung nasa labas sila ng room. May binulong si Slater.

Slater: Wala pa lang test ngayon. Libre kita after school. *smile*

Tin: *Gulat na inis ang mukha pero napa smile na lang dahil andun na sila*

The GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon