End of Days

10 2 1
                                    

Isang ordinaryong araw sa isang pangkaraniwang tao lamang ang ika-31 ng Mayo, pero para kay Laurence isa na iyon sa dadagdag na huling masayang araw sa listahan ng masasayang araw niya. Nalalabi na lamang ang araw na matatahimik ang katawang tao niya dahil paniguradong marami nanamang mangyayari sa unang araw ng pasok niya kagaya ng mga nakalipas na mga taon.

Sino ba si Laurence? Isang weirdong babae sa kanilang paaralan , masyado siyang aloof sa mga tao ni ultimong makipag-usap ay di niya magawa, kailan ba siya huling nakipagusap sa ibang tao? Maski siya di na makaalala.

Nauutal at napipi siya sa tuwing may sumusubok sa kanyang makipagusap na naging dahilan para layuan siya ng kapwa niya estudyante. Pero yun nga ba ang tamang dahilan kaya't iniiwasan siya?

Hindi naman talaga ganoon ang buhay niya noon ay masayahing bata siya ,madaldal kagaya ng isang pangkaraniwang bata, at higit sa lahat ay makulit. Isang araw dala ng kuryosidad sa mga hayop ay nagpunta siya sa gubat malapit sa kanilang bahay, naglakbay siya at nagikot ikot sa gubat, malinaw man ang kanyang memorya ay di parin niya naiwasang mawala, tanging biskit lang ang kanyang dala na dapat ay meryenda niya sa araw na iyon ang kinain niya, pinagiiwas siya ng kanyang magulang na magpagutom dahil masama daw iyon sa katawan niya.Dumating ang gabi at hindi parin nakakaalis ang batang si Laurence sa gubat dala ng pagod at gutom siya ay nakatulog.Kinabukasan nagising na lamang siyang duguan ngunit walang bahid ng sugat sa katawan, at sa wakas ay nakaalala siya ng posibleng naging daanan niya upang makalabas sa gubat. Habang palabas siya ng gubat ay siyang pagpasok naman ng mga mangangahoy, batid ni Laurence  na puno ng takot at pagkatuliro ang mababakas sa mga matang nakatingin sa kanya. Dahil sa pangyayaring iyon ay namalayan na lang ng batang si Laurence na nagtatakbo na pala siya sa bahay nila.

Di tumagal ay kumalat ang mga haka-haka na isang halimaw di umano ang pamilya ni Laurence , lahat nang dating kasosyo sa negosyo ng tatay niya ay nagsipag atrasan at nalugi ang kanilang munting pangkabuhayan sa kabilang banda naman ang mga batang dati ay masayang nakikipaglaro kay Laurence ay naging mailap at malungkot dahil nabawasan sila ng kaibigan na sa kalaunay tinuturing na nang mga magulang nilang halimaw.

Sa bawat paglipat nila ng lugar ay siya namang paglala ng mga pangyayari sa buhay ni Laurence hanggat napagpasyahan niyang ikulong ang sarili sa bahay at piliing umiwas sa mga tao.

©svenclaws
🐺🐼™

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 12, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Blue Blood [ #Wattys2018 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon