Shortstory: The Rich Man

17 2 0
                                    

Isang Malaking bahay dito sa lugar namin ang pinagkakaguluhan at pinag-uusapan bawat tao dito sa bayan namin ay alam ang kwento tungkol duon at maski ako ay alam ko rin ang kwento dahil naikwento na ito saakin ng aking nanay.

Base sa kwento niya. Ang malaking bahay daw na yun ay pagmamay-ari ng isang mayamang lalaki at ang lalaking yun ay ilang beses na raw iniiwan ng kanyang nagiging asawa. Ang sabi ng mga taong nakakita na sa lalaking yun ay pangit daw ang mukha nito at ang sabi pa ay kaya lang siya pinapakasalan ng mga babaeng napapangasawa niya ay dahil lamang sa pera.

Ngunit isang araw ay mayroon naring nagseryusong babae sa kanya na ikinagulat ng mga tao hindi raw siya iniwan ng babaeng ito hanggang sila'y magkaanak ilang taon din daw naging masaya ang mag asawa.

Subalit may isang malagim ang nangyari natagpuang patay ang babae at anak nito sa loob ng malaking bahay at ang suspect ng mga pulis na gumawa sa walang karumaldumal na krimen ay walang iba kundi ang mayamang lalaki dahil hindi nila ito nakita sa loob ng bahay.

Nabalik lang ako sa realidad ng may pumitik sa nuo ko hinawakan ko ito tsaka ko sinamaan ng tingin ang kapatid kung lalaking nasa harapan ko.

"Bat mo ginawa yun? Pag ito nakita kung pumula hahambalusin kita ng tsinilas" Singhal ko dito.

"Kanina pa kasi kita tinatawag ate, hinahanap kana ni nanay yung pinabili niya raw na suka sayo." sabi nito tsaka ito tumakbo pauwi sa bahay namin.

"Hoy bilog bumalik ka dito!" sigaw ko ngunit di man lang ito nag abalang lumingon saakin patuloy parin ito sa pagtakbo.

Tumingin ulit ako sa malaking bahay na nasa harap ko. Diko alam kung bakit may parte talaga saakin ang gustong malaman ang totoong nangyare dahil malakas ang kutob kong may mali sa likod ng mga kwentong naririnig ko.

Kinagabihan habang nakahiga ako sa aming papag na gawa lamang sa kahoy ay ang malaking bahay parin ang iniisip ko. Diko alam kung bakit naiisip kung pumasok duon upang alamin ang totoo talagang nangyari.

Ilang sandali lamang ay pinilit ko naring ipikit ang mga mata ko upang matulog ngunit ilang minuto palang akong nakapikit ay napadilat nanaman ako dahil bukod kasi sa ingay na nanggagaling mula sa paghihilik ng kapatid kung nasa tabi ko lang ay malakas din ang tibok ng puso ko sanhi kaya hindi ako makatulog wala akong nagawa kundi bumangon nalang at lumabas sa kwarto namin.

Kinuha ko ang bag kung nasa inababaw ng aparador at hinanap ko ang mga kakaylanganin kung gamit at ng makompleto ko na ang lahat nang yun ay nagpasiya narin akong lumabas ng bahay.

Pero bago yun ay sumilip muna ako sa nagiisa naming kwarto at tinignan ko ang pamilya kong tabi tabing natutulog si nanay na nakayakap sa bunso kung kapatid na babae 3 taon pa lamang ito at hindi ito nakakatulog kung hindi yayakapin ni nanay at ang kapatid ko namang si bilog na 10 years old palang ay nakanganga parin at nag hihilik natatawa ako sa mukha niya gusto ko sana itong kunan ng litrato para may maipang asar ako bukas para makabawi narin ako sa pagpitik nito sa nuo ko ngunit wala nakong oras para gawin yun.

Tumingin ako sa orasang naka sabit sa dingding namin 12:30 na kaya kailangan ko nang umalis dahil gusto ko sana'y bago pumutok ang araw ay naka uwi na ako para hindi nila malamang umalis ako ng bahay.

Pag labas ko ay tahimik ang paligid dahil narin siguro karamihan sa mga tao dito sa probinsiya namin ay natutulog na at mabuti na lamang ay may mga ilaw ang posti kaya hindi masyadong madilim ang paligid habang papalapit ako sa malaking bahay ay bigla akong kinabahan at nagsisi na ganitong oras ko pa naisipang pumunta dito ngunit kung babalik ako sa bahay namin ay dirin ako makakatulog kaya kailangan ko ng matapos to para matigil na ako sa pag iisip sa malaking bahay na ito.

The Rich ManWhere stories live. Discover now