Chapter 1 - Bacacion

10.9K 32 2
                                    

Pinahinto ko ang tricycle sa tapat ng bakod na gawa sa kawayan.

Mag dadalawang taon na nung huling punta ko dito sa Pangasinan kasama ang mga magulang ko pero parang ganun pa rin ang itsura. Medyo dumami lang ang mga halaman nila ngayon.

Dala ang malaki kong bag, agad akong pumasok sa gate. Tanghali pa naman at bukas lang ito kapag araw.

Katulad ng dati nitong itsura, may malaking  bakuran sa tapat ng bahay na may tannim na iba’t ibang gulay. May maliit na cementadong daanan na papunta sa bahay ng lolo at lola ko.

Pagdating ko sa bahay ay nilapag ko ang aking bag sa sala at tinawag si Lola.

Walang sagot, inilapag ko muna ang aking bag sa loob ng bahay, at pumunta sa may likod ng  bahay. Nakita ko si Lola nagluluto sa de-uling na panluto at  agad akong nakita.

“Joey!” sabi ni Lola. “ Ikaw ba yan, lumaki na yung apo ko ah?”

Agad akong nagmano sa Lola ko.

“Opo Lola”

“Ikaw lang ba mag isa? Ang laki mo na ngayon ah”

“Opo kasi may inaasikaso pa sina Mama at Papa sa Maynila ngayon, pero ayos lang yun kasi kabisado ko naman po papunta dito”

“O sige, pumasok ka na muna, Nananghalian ka na ba?”

“Hindi pa po Lola.”

Pumasok ako sa likod na pinto at pumunta sa sala at inilabas ko ang aking mga gamit  pati na rin ang mga pasalubong. Mukhang matutulog ulit ako sa sala kasi lahat ang ibang mga kwarto sa loob ay ginagamit ng isa kong tito. Ayaw ko matulog sa itaas kasi mainit at walang saksakan ng kuryente. Iuusog ko lang naman sa gilid ang maliit na mesang gawa sa kawayan at maglalatag ng banig. Ayos lang naman sa akin ang ganito at medyo namimiss ko na rin matulog dito.

Maya’t maya ay dumating na din ang Lolo ko.

Agad kong sinalubong si Lolo sa may harap na garden at umupo sa sala.

 “Tagal mo na hindi nakakapunta dito ah, hindi mo kasama yung Mama at Papa mo?”, ang pangiting sabi ni Lolo

 “Hindi po, May inaasikaso pa po sila”

“Ganun ba? Eto oh, may dala akong suman”, sabay abot ni Lolo ng isang taling suman galing sa loob ng plastic na dala nila.  “Mukhang lumaki ka na ah, ilan taon ka na ulet?”

 “Kaka 17 ko lang po nung isang buwan”

“Yung pag aaral kumusta naman? Magcocollege ka na ngayon hindi ba?”

“Opo, Mabuti naman po. Pag uwi ko sa susunod na buwan. Saka ko aasikasuhin ang pag enroll ko”

Dumating si Lola at sinabi nakahanda na yung pagkain.

___________

So far, medyo naging masaya ang pagdating ko noh? How's ur provincial life...

Barrio LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon