Chapter 2 - Boredom

8.5K 39 12
                                    

Mag tatatlong araw na ako dito sa Dagupan. Sa mga araw na iyon pinuntahan ko ang mga pinsan ko sa katabing bahay. Mga tito at tita ko. Magkakatabing bahay lang naman silang magkakamag anak. At tulad ng sinabi ng lola ko, lumaki ako at gumwapo. (Well.. :P)

Hindi ko naisip na dalawang araw na na pala akong hindi nakakapag paraos. Medyo mahirap kasi dito. Nasanay na kasi akong ginagawa iyon mag isa sa kwarto ko kasi wala naman ako kasama dun sa Maynila. Kaso dito kasi yung mga pinsan ko sa sala rin natutulog. Nakakahiya naman kung papasok ako sa kwarto ng mga tito ko tapos magkukulong doon. Baka akong mapag bintangan kapag may nawala sa gamit nila. Kung sa CR naman ay medyo hindi ko gusto ang amoy dun kapag naliligo ako ay mabilisan lang. Ayaw ko rin yon gawin ng naka tayo

Ang nakakapag udyok lang kasi ka akin kapag nakakakita ako ng mga love scene sa mga tv (kasi medyo nakakabagot dito at wala naman ako ibang magawa). Minsan hindi nalang ako nanonood para hindi ko nalang yun isipin. Parang parusa yata itong pnapagawa ni sa akin ni Papa dito.

Mga bandang hapon ay naisipan kong maglakad sa bukid. Hindi naman ito kalayuan sa likod ng bahay nila Lolo. Malawak ito at nalilibang ako minsan makita ang mga kambing na tumatakbo at pati mga manok. Minsan nagdadala ako ng mga butil ng bigas para lang lumapit ang mga ito. Madalas may dala akong stick dahil madalas walang tao dito at pang defense na rin kung sakali magwala ang mga manok o kambing—at syempre kung sakali may makasalubong akong nauulol, pang depensa na din.

Napaupo nalang ako sa isang kahoy at nagpahinga. Pumasok na naman sa aking isipan ang mga maruruming bagay kahit nasa malinis na kapaligiran ako. Naisip ko kung ano kaya kung gawin ko nalang dito kung wala naman tao dito ngayon. May nakita ako kambing.

“Hello sabi ko”, pabirong sabi ko (wala naman ibang nakakakita)

Patuloy lang ang kambing sa pagkain ng mga maliliit na mga damo.

“Hi pwede ba kita makausap?”

“Me-e-e-ehhh..”, sagot nya sabay naglakad paalis

“Hey” nilapitan ko ang masungay na hayop. “Pwede ba kita makausap, baka maintindihan mo rin ako. Masungay din ako”

Bumilis sa paglalakad ang kambing papalayo at sinundan ko ito.

Maya’t maya, sa kakasunod sa munting kaibigan ko, ay nakaabot ako sa isang bahagi ng bukid at may nakita akong bahay. May mga nakasampay na damit at hindi ko napansing nawala ang kambing dahit nakatuon ang atensyon ko sa isang dalagang kinukuha ang mga nakasampay na damit.

Barrio LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon