Chapter 1: *adobo for Jay Ar, my loves*

475 7 0
                                    

(a/n: ok na siguro yung walang prologue nuh? Hehehehe. Tsaka yung di ko ibibigay yung list of characters, meet them na lang po sa story, hehehehe... so, pano po, ingat, este enjoy reading. Pavote na rin po ha, tapos leave a comment na rin para masaya.)

“Hmm, ok na kaya ‘tong niluto ko para sa aking si Jay Ar? Favorite nya ito kaya siguradong magugustuhan nya ito…” todo tikim si Shyne ng niluto nyang adobo. “Tatawagan ko na si bhezt,…para matulungan nya ko”.

Ang adobong pinaghirapan nyang lutuin ang magrerepresent ng marubdob (so marubdob talaga) na damdamin niya para dito. He was her Prince charming since she learned the meaning of the word “love”. Ito ang naging inspiration nya sa lahat ng bagay na kanyang ginagawa. Palaging masaya ang day nya kapag nakikita at naaalala niya ang gwapong mukha nito.

Shyne's POV

Ako si Shyrina Etinzo, Shyne tawag sa kin. May boyfriend na ako, si Jay Ar, ung kapatid ng bestfriend kong si Jay Jay... pero secret lang natin ha, baka kasi pag nalaman nya, magbreak kami. Hahaha. The truth is DI KO BOYFRIEND YUN, super duper uber crush ko lang yun, love na nga ata eh, basta ang gwapo nya, ang tangkad, and my dream boy. Kiri ko eh. Marami na nga akong nagawa para mapansin nya eh. One way to a man's heart is his stomach, tama ba? Kaya idadaan ko tong nararamdaman ko sa paborito nyang pagkain.

“Hi! Bhezt”.

“Hmm, sarap talaga ng luto ko. Dapat talaga nag-aray!”, galit na nilingon ko ang talinpadas na nambatok sa akin at malakas na pinisil ang tenga niya. “Ano ka ba, Jayjay? Bakit ka ba nambabatok diyan? Ang sakit ha.”

Isang beses pa ko pang pinisil ng malakas ang tenga nya.

“Ikaw, bakit pinagdidiskitahan mo itong tenga ko? May gusto ka ba sa tenga ko?”

“Heh!” Kinurot ko naman sya. But knowing my bhezt Jayjay, gaganti at gaganti ito kaya hindi na ako nagtaka ng kurutin nya ako sa pisngi. Hindi ako papakawalan nito hangga’t hindi ako nagbabackdown kaya napilitan na akong magbackdown. Pero may pahabol pa akong batok sa kanya.

“Napaka-ungentleman mo talaga. Pumapatol ka sa babae”.

“Bakit babae ka ba? Hehehe…joke lang! Paanong di kita papatulan, eh hindi pa nga kita girlfriend, inaunder mo na ako. At iniistorbo mo ang pamamahinga ko sa bahay. Bakit mo ba ako pinapunta rito?”

Nakalimutan ko ng wala sa oras ang inis ko. Pinalitan ko ng matamis na ngiti sa labi ang nakakunot kong noo. Hinaplos ko yung braso nyang pinalo ko kanina.

“Bhezt, Jayjay…” pacute pa ko habang sinasabi yan.

"Alam ko na yan, papatulong ka na naman" bakit nya alam? Mind reader na ba ang bestfriend ko?

“Ahmm, Tulungan mo naman ako, pakibigay naman nito sa gwapo mong kuyang si Jay Ar? Pinaghirapan ko pag-aralan yung recipe nyan, diba favorite nya yan?”

Kulang na lang ay tirisin ako ni Jayjay ng pino. “Binulabog mo ako sa bahay para lang sa adobo na yan, na ibibigay mo lang naman kay Kuya?”

“Oo”. I put all my efforts in looking cute in front of him. “Bhezt, sige na. Friends naman tayo, di’ba?”

“Hindi na ngayon”. Ano daw? di na daw nya ko friend. Hmmm, magamit na nga yung tactic ko.

Pinigilan ko syang makalabas nung balak nyang iwanan ako, at seryoso pala talaga sya. “Bhezt, sandali lang naman ito! Tutulungan mo lang naman ako. Titikman mo lang kung masarap. Hindi kasi ako makapagconcentrate ‘pag wala ka eh. Baka mataranta ako pag kaharap ko na sya. Alam mo naman kung gaano ko kamahal si Jay Ar.”

“Mahal mo? Hindi mo nga siya makausap nang harapan. Puro ka na lang padaan sa akin o kaya kay Jay Em. Bitiwan mo ako. Matutulog-“

“Ililibre kita ng kahit anong gusto mong kainin.”

“OK” at kumuha sya ng kutsara at tinikman yung luto ko. Ang takaw talaga ng taong 'to, hindi naman nataba.

"Ano ba 'to? pagkain ba to? Walang lasa eh"

"Matakaw na, mapanlait pa" bulong ko sa sarili ko.

"May sinasabi ka ba?" sabi nya habang nilalasahan pa rin yung luto ko.

"Ah, wala ah, sabi ko ayusin mo na yang niluto ko, para maibigay ko na kay Jay Ar, my loves."

Then, ewan ko kung ano yung hinalo nya, tapos pinatikim nya sakin, masarap nga, as in mas masarap kesa dun sa kanina. Syempre, hindi naman ako papayag na hindi masarap yung luto ko, feeling ko naman talaga masarap yun.

“Oh, ayan, bhezt, ok na ha”, at dali daling pumunta sa sala at kinuha ang awditibo ng telepono. (parang ang luma nung telephone eh, awditibo talaga)

Maybe We're DestinedWhere stories live. Discover now