Chapter Three

19 6 0
                                        

Here's the update hope you like it.

*-*-*-*-*


"I'm Carson. Carson James Perez" pagpapakilala nito. Nag-aalangan pa itong tumingin sa akin. "Pasensya na talaga sa balang ginagawa ko. Pasensya na kung ikaw yung nilapitan ko sa bagay na ito" seryosong sambit nito.

Bumuntong hininga ako saka ko tinitigang mabuti itong lalaking nasa harap ko. Mukha namang hindi sya masamang tao, mukhang totoo rin naman ang sinabi nito na hindi ito sanay lumapit sa taong napupusuan nito. Tumikhim muna ako.

"Hannah. Hannah Jane Clarkson. It's nice to meet you Carson" nginitian ko naman ito.

Tumingin sya sa akin at ngumiti ng napakalawak "It's nice to meet you too, Hannah" iginala nito ang paningin sa café. "This café is very beautiful, nakakapanghinayang na ngayon lang ako napadaan dito"

Nagpasalamat naman ako dito "So,ano iyong pabor na hihingiin mo?" tanong ko.

Ibinalik nito ang tingin sa akin at parang nag-aalinlangan pa ito "K-kakapalan ko na talaga ang mukha ko,Hannah. P-pwede ba akong...m-magpatulong na...na ligawan ang kaibgan mo?" utal na tanong nya pero


Nagulat ako doon. Tutulungan ko sya sa panliligaw kay Fritzie?! Ano namang alam ko sa bagay na iyon?

"W-wait. Tama ba ang narinig ko?" hindi kasi talaga ako makapaniwala eh.

"I know this is absurd but I really like her. I like her at first sight,yes. At gusto kobg subulang palaguin ang nararamdaman kong ito. Please, help me" pagmamaka-awa nito "I'll admit this to you, matagal na akong niloloko ng mga kaibigan at katrabaho ko dahil sa pagiging torpe ko"

Napapikit ako at napasandal sa inuupuan ko "You mean to say na wala ka pang nagiging girlfriend?" namamanghang tanong ko. Tiningnan ko ito at nakitang nagkakamot ito ng batok.

"N-nagkaroon naman na ako, kaya lang sila ang lumapit sa akin noon"

Naihilamos ko na lang ang aking palad sa mukha ko. How come na may makikilala akong ganitong klase ng lalaki? I really wanted to laugh pero parang nakaramdam naman ako ng awa dito.

"How old are you, by the way?" wala lang, naisipan ko lang itanong

He glance at me. "Twenty-nine,you?" balik na tanong nito.

"Twenty-six" sagot ko

"You look younger" komento nya

Umiling naman ako. "Fritzie is twenty-five, mas bata sya sa akin"

Tumango-tango naman ito "M-may karelasyon ba sya ngayon?"

Natigilan naman ako doon pero agad ding nakabawi "Wala. Wala na" iniiwas ko ang tingin ko sa kanya. Hindi ko na kailangan i-elaborate pa yon. Hindi tamang sabihin ko pa ang mga kwento ng naging relasyon ni Fritzie at sa nangyayari sa mga iyon.

Malawak na napangiti si Carson dahil doon "That's good to hear" bulong nya na tila nakahinga ng maluwag.

Tinitigan ko itong muli. Mukhang patay na patay talaga sya kay Fritzie kahit ngayon nya pa lang ito nakita. Well, malakas naman talaga ang charms ni Fritzie sa mga lalaki, hindi na bago yon.

"Ano nga pala trabaho mo?" tanong ko.

"I'm an architect. I worked abroad for five years until I decided to go back here last year" sagot nya

The Reluctant Cupid Princess Where stories live. Discover now