Annyeong~ Hi there guys sana po nagustuhan nyo yung previous chapter. Thank you.
Sana magustuhan nyo din po ito, Thanks.
<°^°>°^°<°^°>
Hapon na nang makaalis si Ingrid dito kasi may kailangan pa daw syang asikasuhin. Kami na lang ni Sophie ang nandito sa café.
Nandito kami ngayon sa first floor, gumagawa ng kape. Napatigil lang ako sa paggawa nang makita ko kung sino yung lumapit dito sa counter.
"Fritzie" bati ko sa kanya. Matagal ko din syang kaibigan. Katulad ni Sophie, outgoing din sya at spoiled brat yung ugali pero hindi yun hadlang sa pagiging magkaibigan namin. "Mabuti naman nakabalik ka na dito" galing kasi syang London kasama ang bf nya. Ilang linggo ko din syang di nakita at nakausap.
Nangalumbaba sya sa counter at sumulyap kay Sophie na nasa tabi nya, nakaupo "Can I talk to you for a while, Hannah?"
Tumingin ako kay Sophie at nakitang naka-ismid ito bago sya tanguan. Hayyy bat kasi di sila magka-vibes pareho naman sila ng traits.
Sumunod nalang ako kay Fritzie sa isang bakanteng table at naupo sa upuan, alangan naman sa table?Pwede din. Tss ano bang pinagsasabi ko. Non sense.
"Napaaga yata uwi mo dito sa atin Fritzie. I thought one month kayo ni Reid sa London?" tanong ko sa kanya.
"We...broke up" bale-walang sabi nya na para bang wala syang pakialam.
Medyo nagulat naman ako doon "W-Why? I mean. Di ba may plano na kayong magpakasal?" Sa pagkakaalam ko kasi si Reid ang pinakamatagal nyang naging bf kaya akala ko sya na ang huli pero mukhang hindi pala.
"Nahuli ko syang may kasamang babae 😑 Well it doesn't really matter. I'm done with him naman na eh"
Tumango-tango na lang ako. Mukha namang hindi sya nasasaktan sa break up nila eh. Ano pa bang aasahan ko? Fritzie is a well-known playgirl. Parang damit lang yung lalaki sa kanya araw-araw iba-iba. Well di ko sya masisisi, maganda at sexy naman kasi sya na halos lahat ng lalaki nagkakandarapa sa kkanya.
"It's been a while since my last visit here. At natapat pa talaga na nandito yung kaibigan mong yun" pagtutukoy nya kay Sophie.
"Mabuting tao naman si Sophie kahit na—" hindi ko natuloy sasabihin ko kasi pinutol na nya.
"I still don't like her. Oh I came here for this" may kinuha syang isang invitation "I want to invite you at my party sa katapusan. It'll be held at Shangri-La Hotel. I'll see you there bring an escort, kay? Bye" sabi nya saka umalis na hindi man lang hinintay yung sagot ko.
Napabuntong-hininga na lang ako. Party?An escort? Napailing na lamang ako saka tumayo. Hindi aki sigurado kung makaka-attend ako kasi Sabado iyon at may klase ako sa Culinary class ko.
YOU ARE READING
The Reluctant Cupid Princess
Romansa"Everytime I touch you, everytime I look into your eyes, everytime I see your smile, I feel happy and contented. In those simple things you do, made my day a lot better. I love you so much" - Hannah I hope you will like this, though this is the firs...
