3rd hour -

647 16 4
                                    

Pagkabalik ko ng classroom, tinanong nila ako kung nasaan daw si Mike. Sinabi ko di makakapasok . Iba talaga pag gwapo ang boyfriend. Haaay. Swerte ko talaga. Nag discuss lang yung teacher namin tsaka nag bigay ng mga activities. Di na nga ako masyadong nakinig eh. Nag te-text lang kami ni Mike 'ko' .  Kinikilig nga ako eh. ♥  

Nag lalakad na ako sa hallway para papunta sa garden. Nang may nabangga ako. Kaya nahulog yung dala dala kong libro.

“ouch.” Arte na kung arte. Yan ang reaksyon ko tuwing nababangga.

“Ah.. S-sorry.” Pinulot naman niya yung libro at inabot saakin. Nagulat nga siya nung pagka angat niya ng  ako pala yung naka bangga niya. But he looks familiar...

“Kaila. S-sorry ulit. “ siya.

”Okay lang.” – mag lalakad na sana ako paalis kaso hinawakan niya ang balikat ko ..

“Mag-ingat ka ke Mike. Malamang ginagamit ka lang niya. playboy siya... hindi ka talaga nita mahal... Pinaf pustahan ka lang nila. ” Nagulat ako sa sinabi niya.

“Shut up! Ano bang pinag sasabi mo?! Mahal ako ni Mike at hindi niya ako ginagamit. Mahal namin ang isa’t isa!” galit na sagot ko sa kanya. Sino siya para sabihan ng ganun si Mike. >_<

“Tss.. Warning lang. Di ko na kasalanan kung ayaw mong maniwala. . geh. Goodluck sa relationship nyo”  tsaka siya umalis.

Imposible naman yun. Mahal namin ang isa’t isa. At alam kong na chismis na playboy nga tong si Mike, pero mahal naman niya ako. AAHHGG! Nakakainis yung lalakeng yun!!

Papunta na ako sa garden ng school ngayon … Kahit malayo palang ako, natatanaw ko ang gwapo niyang likod. Nakatalikod kasi siya, para may kausap sa phone. May puno naman dito sa garden. Kaya di siya naiinitan.

Haayyy.. Naaalala ko pa nung mga oras na hanggang tingin lang ako sa kanya galing sa malayo. Pero ngayon… Boyfriend ko na siya. Pero di padin ako mapakali sa sinabi nung lalake kanina. Ewan! Di naman siguro totoo yun! Oo nga! Di siguro yun! Oo ! Di nga!

Malapit na ako sa kanya… dahan dahan… Gusto ko siyang gulatin. Hihihi..

“HAHAHAH! Yeah!” – tawa niya. Sino kaya kausap niya sa phone?

“oo nga! …. Kami na! So paano ba ‘yan? Akin na yung kotse mo?” HA?! Napahinto ako sa pag lalakad .

“nah… asa! Nanalo ako sa pustahan! Kukunin ko mamaya yung kotse mo!” Pustahan?!

“ASA! Di ko kaya mahal yun! Di nga maganda para sa akin yun eh! Mas marami pang sexy jan sa tabi tabi! “ di ako makapaniwala sa narinig ko. Ako?! Ako ba tinutukoy niya?

Hinablot ko yung phone niya mula sa likod. Kaya nagulat siya.

“WHAT THE---! Kai ! Ikaw pala! Kanina ka pa ba jan?”

Tinapon ko yung phone niya at tumama sa puno kaya nasira. Buti nga! Wasak yung parts ng phone niya.

“KAPAL NG MUKHA MO! PINAG PUSTAHAN NIYO LANG PALA AKO! PARA LANG MAKUHA YUNG KOTSE! GRABE KA! DAHIL ALAM MONG MAY GUSTO AKO SA IYO, GAGAWIN MO SA AKIN YUN! KAYA PALA DI KA MAKAPAG SABI NG 'I LOVE YOU TOO' ! NAG BIBINGI-BINGIHAN KA LANG PALA! HOW DARE YOU! AKALA KO IBA KA! ANG SAKIT LANG TSONG! P*TA! SANA PALA NAKINIG NALANG AKO SA LALAKENG NAKA BANGGA KO KANINA! “

di ko na maiwasang umiyak. Sinampal ko siya at sinuntok sa tyan niya. Napa 'ow' naman siya.  g@gu siya. Tumakbo na ako palayo pero huminto muna ako.

“Siya nga pala… Thanks for the 3 hours relationship ah! Nag enjoy ako ng sobra! Grabe! Salamat ah! At least naging in a relationship ang status ko ng tatlong oras!”

"oo nga pala... BRAKE NA TAYO! oh! kwintas moh!" sabay hagis ko sa kanya nung kwintas.

Tsaka ako tumakbo ng tuluyan. Pumunta ako sa HS building at dumeretso sa 5th floor. Wala kasing tao dun. Bawal din pumunta.

Iyak lang ako ng iyak. Akala ko masaya na! tsss… di  pala… p*ta siya. Grabe! Akala ko mahal niya ako. Di man lang siya nag explain. Aahhgg!

“Sabi ko sa’yo diba? P*ta talaga yun. Panyo oh…” inangat ko ang ulo ko at nakita ko yung lalakeng naka bangga ko kanina .

“S-salamat.. *hik* s-sorry *hik* pala sa sinabi  *hik*  ko kanina… tama ka.. *hik* ginamit niya lang ako. Pinag pustahan nila ako. P*ta talaga *siya* …” umupo siya sa tabi ko.

“Ssshh.. iiyak mo lang yan..” isinandal niya ang ulo ko sa balikat niya.

“Ang sakit… sakit.. sobrang sakit…” 

"marami naman kasi kaming umaaligid - aligid jan sa'yo eh... Ang problema lang... di mo kasi kami nakikita. kasi... lageh kang nakatingin ke Mike. ayan tuloy... iiyak-iyak ka ngayon..."

The End.

3 Hour RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon