ST2 fan fiction ChuChu #1

20 1 0
                                    

Maganang kinain ni Andrew ang pagkaing inihain sa kanya ng kanyang asawa. Sarap na sarap siya sa bawat putaheng isinusubo niya. Hindi niya ubod maisip kung paano nag bago ang mood ng kanyang asawa samantalang kagabi lamang ay halos patayin na si'ya nito sa kataksilang nagawa.

"Masarap ba?" Nakangiting tanong sa kanya ng kanyang may bahay habang inilalapag nito sa kanyang harapan ang isang tasa ng mainit na kape.

"Napakasarap" sagot naman niya sabay balik uli sa pagkain ng mga putaheng asa kanyang plato.

"Sige, kumain ka lang hanggang kaya mo," impit na bigkas ng may bahay ni Andrew na ngayo'y naglalakad na patungong kusina "sige Andrew, kumain ka lang hanggang kaya mo. Dahil mamaya ikaw naman ang ipapakain ko".

----

"Arvin!!" tawag ni Eri sa kanyang kaklaseng kanina pa nakatulala sa bintana.

"Arvin!!" muling tawag nito. Ngunit hindi pa rin kumikibo ang kamag-aral. Nilapitan niya ito at bahagyang tinapik sa balikat. Sa pag kakataong ito'y natinag na rin ang kamag-aral. "Anu bang problema mo? Kanina pa kita tinatawag a. Ok ka lang ba?"

Isang tango lamang ang itinugon ni Arvin sa tanong ni Eri.

"Sigurado ka ba?" Bakas sa mukha ni Eri ang pag-aalala sa kamag-aral na itinuring na rin niyang kaibigan.

"Eri, sasabihin mo bang nababaliw na ako kapag sinabi ko sayong nakita ko kung sino ang nakadundol kay teacher Fely?"

Bahagyang naging seryoso ang tingin ni Eri sa kaibigan dahil sa sinabi nito.

"Ha?! Seryoso ka ba sa mga sinasabi mo Arvin?! Hindi magandang biro yan lalo na't nasa bingit ng kamatayan ang ating guro".

"Eri maniwala ka sa'kin nakita ko talaga kung sino ang sakay ng taxing nakabunggo kay teacher Fely. Nakita ko talaga Eri, nakita ko..." Nanlalaki ang mga mata ni Arvin habang sinasabi kay Eri ang nasaksihan niya ng gabing nabangga ang kanilang guro.

"Sigurado ka ba Arvin? Maaari nating sabihin ang iyong nalalaman sa pamilya ni teacher Fely para maparusahan kung sino man ang may gawa nito sa kanya. Arvin sino ba ang nakita mo?"

"Si teacher Sachiyo. Siya ang sakay ng taxi na nakabangga kay teacher Fely."

"Ano? Nababaliw ka na ba? Best friend ni teacher Fely si teacher Sachiyo. Anu naman ang magiging motibo nya para banggain si teaher Fely? Walang maniniwala sa'tin kapag yan ang sinabi natin. Besides, teacher Sachiyo is with teacher Fely right now. Sabi nila Jhen si teacher Sachiyo lang daw ang nag match sa blood type ni teacher Fely. Kung gusto niyang patayin si teacher Fely bakit pasi'ya nag donate ng dugo?"

Gustuhin man ni Eri na paniwalaan ang kaibigan wala siyang makitang sapat na dahilan para paniwalaan ito.

"Arvin, stressed ka lang. Tara pumunta ng canteen ililibre na lang kita ng ice cream." Magiliw na sabi nito at hinawakan na ang kaibigan upang hatakin palabas ng silid aralan.

Lingid sa kanilang kaalaman. Hindi lamang silang dalawa ang nakarinig ng kanilang usapan. May isang tao pang asa labas lamang ng pinto kanina pa at nagpapakasasa sa impormasyong ibinahagi ni Arvin. Sino siya? Anu ang magiging papel niya sa buhay ng mga estudyante ni teacher Fely. Kakampi ba siya o kaaway. Abangan..

Kitty TalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon