Chapter 20

92 6 0
                                    

Chapter 20

Fox POV

Sumunod ako sa kanila. Hindi man ako inutusan ni Boss na sumunod, I just have this feeling that, I must follow them. Baka kapag di ko yon ginawa, mas matindi pa ang matatamo ko kay Boss. Huehue. Kawawa naman si acoe.

Kung paparusahan man niya ako, wish ko sana huwag sa mukha. Pinaka precious to at alagang-alaga ko e. Pati rin pala si junjun. Huhu, sana makaligtas kayong dalawa sa malupit na kamay ni Boss. Pati pala abs ko. Hinahanap-hanap yun ng mga babae kapag nagsex kami e. Huehue.

"Go to your room." utos ni boss kay Mrs. Raleigh.

Tumango naman si Zoenne sa kanya. Pero bago pa man siya maka-akyat, nilingon niya ako. Yup, AKO. AKO ang nilingon niya. Mwehehe. Kilig si acoe.

Sinasabi ko na nga ba, may hidden desire sakin si Zoenne!

Ngumiti siya at kinawayan ako.

"I totally have fun. Thanks to you and this." sabay tawa niya at ipinakita ang picture ko na takot na takot.

Iyon yung nasa space shuttle kami. Ngumuso naman ako. Gwapo pa rin naman ako don a? Bakit tawang-tawa pa rin siya e hindi naman ako pangit sa picture?

"Sa susunod ulit, Zoenne." sabi ko at bahagyang kinawayan siya.

Pero natigilan ako sa pagkaway nang humarang ang mukha ni Boss sa harap ko. My eyes get narrowed.

"There is no next time to me. And what the fuck do you call her Zoenne? Didn't I tell that you must call her Mrs. Raleigh instead?" malamig niyang sabi sakin.

Huehue. Ito na po siya...

"S-sorry, boss. Nadala lang ako.."

"Tss... get a grip on yourself and follow me."

Naiihi ako, Boss.

Gusto kong sabihin yan kaso natatakot ako. Huehue. Wala kasi dito si Iron para palakasin ang loob ko e.

"Yes, boss."

Nangunot ang noo ko ng patungo kami sa warehouse na palaging pinagpra-praktisan ni boss. Tuwing.. Hala! Huehue!

Hindi naman niya siguro ako gagawing target di ba?

WAAAAAAAAAAAAAHHH!!!

Di pa nga ako nakakarecover sa space shuttle, eto naman ngayon?!

Inihitya niya sakin ang supot na naglalaman ng green apple na binili namin kanina lang. Sinapo ko yon.

"P-para saan to, boss?" utal kong sabi.

Nanlalaki ang mata ko ng nakitang inaayos niya ang lalagyan ng mga ibat-ibang weapon namin. Waaaaaa!! Huhuhu. Mali sana ang iniisip ko.

"What do you think, Fox?" seryoso niyang sabi.

"Ahh.. ano... ahh.. ewan ko, boss! Bakit mo ba ko pinag-iisip?! E wala nga akong isip, di ba?"

Huhuhu. Ang sakit pala sa heart na nilalait mo yung sarili mo.

"You'll be the target board." he said never minding what I uttered.

HANO?!

Napakurap-kurap ako.

[Insert sound effect]

"Hahaha! Joker ka na pala ngayon, boss? Di mo sina-"

Natigilan ako nang may inihagis siyang kutsilyo na pinadaan niya sa gilid ng ulo ko.

"Tsk. Almost there but not yet stricken." cool niyang sabi.

Naiiyak ako! Huhuhu. Eto na ba ang katapusan ng aking lifeu?

Married To An AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon