First time

5 0 0
                                    

Sa unang pagkikita

Nakaka agaw pansin ang iyong salamin sa mata,

Mga mata ng kumikislap sa saya,

Mga matang tila nang-eengganyong pagmasadan sila,

At mga matang tila sinasabing, "nasa ilalim kana ng mahika."

Sa unang pagkikita

Sa tangkad mo'y nakakapanliit,

Ngunit sa sumilay mong ngiti

Pakiramdam koy abot na abot kita,

Iyong ngiting nakakagaan ng loob,

Mga ngiting mong Kay tamis at nakaka adik.


Sa una nating pagkikita

Masasabi kong hinahangaan kita,

Oo,

Ito ang una ngunit di ko maipagkakailang iniidolo kita,

Mapansin mo man itong aking likha para sa iyo o Hindi man,

Alam ko,

Darating din ang oras ko,

Oras ko na mapansin at makilala mo.

Sa susunod nating pagkikita may hiling sana ako,

Una, makita Kong muli ang tamis sa iyong mga ngiti,

Pangalawa, ang kislap ng iyong mga mata,

Pangatlo, ang perpektong hugis ng labi mo.

Sapat na ang tatlong hiling sa mumunti kong pagtingin,

Nais ko ring makilala mo ngunit alam ko ang limitasyon bilang taga hanga mo,

Sapat nang mabasa mo ito at makita kang muli.

A Poem For You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon