Henosis Squad

8 0 0
                                    

Sabi nila ang numero trese ay malas,
Lalo na kung tatapat ito ng byernes,
Maraming sabi-sabi na dapat tayong mag-ingat,
Gayunmapan, Masasabi kong isang biyaya ang trese,

Dahil sa treseng sinasabi ng ilan ay malas daw,
Dito, sila, ang bumubuo sa trese'y binigyang kulay buhay ng marami,
Pinadama nila kung paano ka mamuhay sa likod ng realidad,
Kung paano tumakas, bumalik at timbangin ang lahat.

Pina-ibig, pina-kilig at pina-iyak na gugustuhin mo pang maranasang muli,
Pina-aasa, iniwan sa ere, sinaktan na nanaisin mong damhin hanggang sa pagpikit ng mugto mong mga mata,
Habang pinupunsan ang uhog kasabay ng luhang di na maampat sa sakit na nadarama.
Kasabay ng paghabol mo sa hiningang pilit pinipigilan maitago lang.

Tinakot, nangilabot at natakot ang punto ng trese,
Ang takutin ka sa realidad na maaring totoo ang lahat,
Ang mangilabot sa sinasapit ng ilang ibinaon sa hukay,
Ang matakot sa isip ng maaring sapitin di lang ikaw at ng nakakarami.
Habang pinapatay ka nito.

Misteryoso at mahika isang katangiang makikita sa likod ng samut-saring kwento ukol sa trese,
Misteryosong pilit ginagaya at kinukuha sa lumikha,
Ang mahikang pilit pinag-aagawan ngunit sa iisa lamang bumitaw,
Katangi-tanging katangian na hinahangad ng ilan, sa magka-ibang persona'y natanggap.

Trese,
Isa kayong perpektong bilog na pag nagkulang ay nakakapangulila,
Isa kayong perpektong grupo na lilipun sa napakaraming imahinasyon,
Iisa kayong grupo na, alam ko, ay tunay na tatangkilikin dahil sa angkin husay, galing, at talino
At masasabi kong ito ay totoo, dahil sa bawat akdang inyong nililimbag ay umaapaw ang ibabt ibang emosyong nais maramdaman ng bawat isa.

-----


A Poem For You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon