"Aimi! Punta tayo sa basketball court!" aya sa akin ni bestfriend kaya pumayag naman ako. Baka pansinin ulit ako ni crush di ba?
Nang makarating kami, tinabihan agad siya ni Crush kaya umalis na ako sa pwesto ko dahil nagmumukha lang kasi ako'ng third wheel.
"Aimi!" tawag sa akin nung isang kaibigan ni crush. "Bakit?" tanong ko naman dito.
"Samahan mo ako sa rooftop! May ipapakita ako sayo!" yaya niya sa akin kaya tumayo na ako at sasama na sana sa kanya nang hawakan ni Crush yung braso ko. Oo! Alam ko na si crush iyon! Alam na alam ko ang pabango niya!
"No," tumindig ang balahibo ko dahil sa pagpigil niya sa akin. Papansinin na kaya niya ako?
"Sasama siya sa akin," sabi ni Crush saka sapilitan akong hinatak sa kung saan.
Napadpad kami sa gym. Humayghad! Magiging official na ba kami? I cannot!
"Tulungan mo naman ako. Alam mo kasi Aimi, liniligawan ko ulit yung bestfriend mo and I need your help. Bukas kasi gusto kong gawin kaming official," parang naesyatwa ako dahil sa sinabi ni Crush. Bakit ba kasi umasa pa ako? Yan tuloy ang napapala ng katangahan mo Aimi!
At dahil ayaw ko siyang madismaya, napatango na lang ako. My eary skipped a beat when he hugged me out of happiness. Ganito rin ba siya magiging masaya kapag sinagot na siya ni Bestfriend? O mas higit pa?
Ang sakit. Buti na lang at napigilan ko ang pagtulo ng luha ko. Crush lang naman di ba? Pero bakit ako nasasaktan ng ganito?
Binigyan niya ako ng chocolate and flowers. Naalala ko nung binigyan niya ako, once. "Naalala mo ba noong binigyan mo ako ng flowers and chocolate?" tanong ko sa kanya at bakas naman ang pagtataka sa mukha niya.
"Ah, yun? Hindi mo ba binigay sa bestfriend mo? Sinulatan ko kaya yung card. Sabi ko pakibigay sa bestfriend mo kasi nahihiya ako sa kanya," sabi niya sabay kamot sa ulo. Parang naestatwa na naman ulit ako noong sinabi niya yun. So hindi para sa akin kundi para kay bestfriend? Saklap. </3
"Ibigay mo yang chocolate and flowers sa Bestfriend mo ha?" sabi niya saka umalis na.
Binigay ko naman kay bestfriend yung pinapabigay ni crush saka ako umuwi at pagkauwi ko, hinanap ko yung card na sinasabi ni crush and thankfully ay nakita ko agad. Hindi ko kasi binasa. Babasahin ko sana sa susunod na araw, eh. Ayan tuloy, napaasa ako. Huhuhu~
Totoo nga yung sinabi crush na laman nung sulat.
Aimi,
Pakibigay nga sa bestfriend mo itong flowers and chocolate. Nahihiya kasi ako sa kanya, eh. Sabihin mo, manliligaw ulit ako. Ha? Thank you!
Wow. Just wow. Saklap ng love life ko. Minsan na nga lang ako magkagusto, sa maling tao pa! Hay naku!
(September 30, 2017; 6: 50 p.m.)
---EDITED---
![](https://img.wattpad.com/cover/110075567-288-k941780.jpg)
BINABASA MO ANG
Dear Paasang Crush
FanfictionDear Crush, First day of school at ikaw agad ang napansin ko. Sinabi ko kay bestfriend na crush kita. Pero bakit ganun? Ang paasa mo? -Aimi