Nandito kami sa gym. Hinihintay namin si Bestfriend. Marami'ng tao ang nandito dahil nga sa boto ang mga ito sa love life ni bestfriend at ni crush.
Nang mabuksan ang pinto ng gym ay nagpaalam na ako kay crush na may pupuntahan lang ako at sinabing babalik kahit hindi na. Tama na yung pagtulong ko sa kanya pero yung marinig ko pa yung 'oo' ni bestfriend? Out na ako diyan.
Pumunta ako sa room at wala pang sampung minuto nang biglang dumating si bestfriend at si crush.
"Aimi! Kami na!" masayang balita para sa kanilang lahat iyon. Pero para sa akin? Ang balitang iyon ang nagpagunaw ng husto sa mundo ko.
"Congrats," matamlay kong pagbati sa kanila saka pumunta na sa locker. Balak kong ibigay ang fifteen letters ko para sa kanya. Isusulat ko na ang last letter ko para kay crush.
_____
Dear Crush,
Congrats! Naging kayo rin ni bestfriend. Alam mo ba na may gusto ako sayo? Syempre hindi. Hay, ngayon na nga lang ako magkagusto, sa maling tao pa. Best birthday na ito para sa akin. Ang mapaasa ni crush
pero happy ako sa inyo ni bestfriend! Sincere ako diyan ha! Hehe~ Read my letters, okay? Maging magkaibigan pa rin tayo at wag magkailangan. Bakit ba kasi ang paasa mo? At ako naman si tanga, umasa ng umasa sayo! Ang sweet mo ba masyado o sadyang friendly ka lang talaga?
Nagmahal, nagpakatanga, umasa,
KIM AIMI
(October 1, 2017; 8:48 a.m.)
________
Hinayaan ko lang na mahulog ang mga luha ko. Umasa kasi ako. Ang tanga ko! At oo! Birtday ko ngayon! Saklap lang kasi, eh!
Pagkatapos kong magdrama, kinuha ko na lahat ng letters ko para kay crush saka pumunta na para sa boy's locker nang makabangga ko si crush.
"Oy! Ano ito ha! Nay admirer ka na pala!" Sabi niya sabay tawa. Mabilaukan ka sana.
"Para sayo yan CRUSH. Basahin mo ha? Nag-effort akong isulat yan kaya basahin mo. Take care," sabi ko saka tumakbo papunta sa locker ng girls.
Pagbukas ko ng locker ko, may nahulog na papel kaya naman pinulot ko ito. No littering nga raw, eh.
Dear Aimi,
Hi Noona. Crush po kita.... ;)
-Brix :)
----------
THE END
-------------------
---EDITED---
BINABASA MO ANG
Dear Paasang Crush
FanfictionDear Crush, First day of school at ikaw agad ang napansin ko. Sinabi ko kay bestfriend na crush kita. Pero bakit ganun? Ang paasa mo? -Aimi
