"SAAAAAPPPHIIIREEEE , BUMANGON KA NA DYAN MAGLINIS KA NA NG BAHAY. AALIS NA KAMI" napadilat ako ng mata ng marinig yung manok ah este yung tita ko na tumitilao---- sumisigawNapakamot ako ng ulo habang bumabangon anong oras na ba inaantok pa ko sa kaka-lako ng mga paninda kong isda kahapon , matumal ang benta kaya inabot na ko ng gabi
"SAPPHIR---" .
"OO NA PO , NARINIG KO" Pagputol ko sa sinasabi nito
"ABA'T , BUMABA KA NA DYAN"
Bumangon nalang ako kahit antok na antok pa ako"Po?" tanong ko rito
"Ang sabi ko aalis na kami nitong pinsan mo at ng tito mo" Alam ko na kung bakit niya sinasabi yan. There's no way in hell na ibibigay ko yung kinita ko dahil nag-iipon ako
"Ah oh edi ingat po kayo"
"Anong ingat? Akin na yung kita ng nabenta mo kahapon" tiningnan ko lamang ito sa mga mata
" Tita , ako ang naglako kaya akin ang kita" hindi naman ako palasagot pero parang ganun na rin pag alam kong tama ako
"Aba't itong batang ito napakawalang galang. Magpasalamat ka nga at kinupkup pa kita a----" tinalikuran ko sila at pumunta sa kusina. Yan nanaman siya
Ako si Sapphire Unique Quilson. Hindi ko alam ang trip ng mga magulang ko at ganyan ang pangalan ko . Hindi ko na natanong dahil bago pa ko mag kaisip ay iniwan daw nila ako sa tapat ng bahay nitong tita kong dragon . Were not really blood related , kinupkop lang nila ako.
I'm 17 years old . College na this school year kaso hindi ko alam kung makakapag-aral pa ko ng kolehiyo. Gustuhin ko man pero kailangan kong kumayod para sa sarili ko dahil kahit pisong duling or Play Money eh walang ibinibigay sila tita.
Nagluto na ko ng almusal ko dahil mamaya lilinisin ko tong buong bahay kagaya ng sabi ni tita.
Narinig ko na yung pagbukas at pagsara ng pinto kaya alam kong umalis na sila
Napabuntong hininga ako habang kumakain .
Pano na ko makakapag-aral nito.
Nakapag ipon naman ako pero hindi yun sapat.Mabilis ko ring niligpit ang mga pinag kainan ko at nagsimulang maglinis ng bahay . Simula sa labas hanggang sa bodega. Pati kasulok-sulukan ng bahay nilinis ko habang nag sasound trip
"Bultaoreune fayeeerrr oh eh" Sabay ko pa sa kanta . Bangtan Sonyeondan Grupong hinahangaan ko ganun din naman sa EXO , Cross Gene etc. sadyang mas nahumaling ako sa BTS . Ito ngang cellphone ko eh punong puno ng videos nila kumpleto to.
*Bababababanana bababababana-* napatigil ako sa pagpupunas ng bintana ng tumunog ang ringtone ko kaya tiningnan ko kaagad kung sino yung nagtext
"Pamangkin , bagng nmber ko i2 dahil nanakaw ung isa kong cp. Nxt week nlng ako mgpapadala sainyo . Loadan mo ako ng 500 tnx." Napangisi ako dahil sa nagtext kaya agad akong nagreply
"Tita Maria?" Reply ko at mabilis naman siyang nagreply
"Oo ako i2 , Tita Maria mo" natawa ako sa naging reply nito kaya dali dali ko itong sinagot
"Don't me , Wala akong tita na pangalan eh Maria. Sa iba ka magloko . Di tayo close"
Napailing ako dahil sa kakaiba ang trip ng mga tao ngayon kung hindi ka mag iingat eh for sure maloloko ka
*bababababanana bababababanana ba na na ah ah-* aba't hindi pa rin ako tinigilan at tumawag pa talaga
Inaccept ko ang tawag at agad na tinutok sa tenga ko
"Jade , please I will do anything just comeback to me" napataas ang kilay ko dahil boses ng lalaki ang narinig ko
"Excuse me? Nagkamali ka ata ng tinawagan" sagot ko dito
"No , Jade please. Let me explain please please" ano nanaman bang trip nito
"Hoy aber sino ka ba? Di kita kilala kuya . Sapphire ang pangalan ko at hindi Jade ok?" Napansin ko ang pag tahimik sa kabilang linya
"But----" hindi ko na siya pinatapos sa pag sasalita
"Tsaka hindi naman sa pangingialam pero kung ayaw niya na talaga sayo wag mo ng habulin ng habulin. Okay na yung triny mo pero kung nireject ka pa din wag mo ng pilitin kasi baka kailangan niya lang ng space. Kung ano man yang problema niyo . Kung mahal niyo talaga yung isa't isa , kahit ano pang mangyari , kayo at kayo pa rin yung magkakatuluyan . Okay na? Kbye" ibinaba ko na ang tawag
Haysss nakakastress ang mga kabataan ngayon . Nakakaintindi kaya yun ng tagalog? Englishero eh bahala na nga sila diyan
Tinuloy ko nalang yung paglilinis ko at pagkatapos ay katawan ko na ang nilinis ko
Tumunog nanaman yung ringtone ko .
From: Tita Violeta
Sapphire ! Hindi muna kami uuwi ngayon . Dito kami magi-stay ng dalawang araw ! Alagaan mo yang bahay kabisado ko bawat sulok niyan .
Di ko naman itatakbo tong bahay nila ah. Buhay talaga parang life
Maglalako muna ako ng ginawa kong Turon at BananaQ
Sinigurado kong nakalock ang bahay at baka mamaya itong bahay pa mismo ang tumakbo papalayo