Chapter 1: Rooftop

246 9 2
                                    

Chapter 1: Rooftop

Ako nga pala si Yuna. Isa ako sa mga babaeng nabiktima ng lalaking matagal ko ng kilala at mahal

You read it right. Matagal ko na syang mahal. Lahat ginawa ko para lang mapansin nya. Ang magpapayat, magpaganda, magpataas ng grades, lahat! Miski nga sabihin ko sa kanya na mahal ko siya ng harap harapan ginawa ko eh

Napansin niya lahat yun. Pero niminsan wala akong nakita ni isang bakas na nagkaroon siya ng interes sakin. Ilang beses ko na sinabi sa kanya na mahal ko siya pero wala ako narinig na sinabi niya na "mahal" din niya ako

----------------------- ------------------------ --------------------- ---------------

Habang naglalakad ako sa campus ng school, may biglang lumapit sakin

"Yuna flowers for you!!!!" may biglang nag abot sakin ng bulaklak

"salamat!" at ningitian ko siya

"ahh…. Yuna may gusto sana akong ipagtapat sayo……." sabi nung lalaking nag abot sakin ng flowers

"ano yun?"

"ano…..ahh….p-pwede…ba kitang….li-li-li…"

Hindi pa nasasabi nung lalaki yung dapat niyang sabihin sakin ay may biglang nanamang kumulbit sa likod ko. Lumingon naman ako

"Miss Yuna binilhan kita ng bag galing Paris" sabay abot sakin ng bag

Maraming lalaki ang nagsilapitan sakin at binigyan ako ng samu't saring mga bagay

Hindi ko maiwasang tumingin sa paligid ko dahil isang tao lang naman ang hinihintay ko at yun ay si Kevin. Hindi ko masyadong pinansin yung mga lalaking nakapaligid sakin dahil hinahanap ko si Kevin. Pero hindi ko siya makita

Nakiusap ako sa kanilang lahat na padaanin nila ako dahil may kailangan akong asikasuhin

Mabilis akong naglakad upang hanapin si Kevin nang may biglang sumulpot sa gilid ko

"Hoy Yuna!!!!"

Napairit ako at napasigaw ako ng "si Sadako!!!!!!"

"grabe ka naman Yuna! Di porke't pinagkaguluhan ka nanaman ng mga  lalaki kanina ay ibig sabihin pwede mo na sabihan ang best friend mo ng ganung bagay. Sa dinami rami ng mga pangalan na pwede mong sabihin bakit si sadako pa??"

"ay sorry hindi ko naman alam na ikaw pala yan Lea. Eh anong gusto mong itawag ko sayo? Si the grudge?"

"ang sama mo ah!" sabay hampas sa braso ko

"joke lang! Eto naman! Ayusin mo kasi yang buhok mo. Teka lang nakita mo ba si Kevin?" tanong ko sa kanya

"ay nako sister! May bago akong chika sayo" sabi nya sakin habang naglalakad kami

"ano yun?"

"hay nako may bago nanamang girlfriend yang si Kevin your love mo"

"psshh….saan mo naman nakuha yang chika mo? Di ako naniniwala dyan!"

Habang naglalakad kami bigla namin nakasalubong si Kevin at………..may kasama nga siyang ibang babae

Naramdaman kong tumaas ang dugo ko sa mukha ko dahil sa sobrang galit at………..selos na nararamdaman ko. Oo nagseselos ako dahil may iba nanaman siyang kasama.

Nung papalapit na sila samin ni Lea, ineexpect ko na papansinin niya ako dahil kaibigan din naman niya ako. Pero hindi, hindi niya ako pinansin miski nga isang sulyap sakin wala rin eh!

At eto pa! nung lumagpas na sila, nakita ko na tumingin sakin ung girl at ningitian nya ako na mas lalo lang nagpainit ng ulo ko dahil halata nman na inis na inis ako

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 18, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What am I to Him? [Chapter 1] H I A T U S M O D ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon