Matagal ng magkaibigan sina Paul at Rian
Lagi silang magkasama .mula paggising sa umaga ni hnd pa nga naliligo hnd na mapaglayo. Ganun sila ka lapit sa isat isa.
Lumipas ang mga taon . Hnd nila namamalayan may pagmamahal na palang umuusbong .kapwa sila may gusto sa isat isa pero pareho din nilang binubura dahil ayaw nilang masira ang pagkakaibigang sa mahabang panahon nilang binuo.
Hanggang umabot sa iwasan at sakitan para lang pagtakpan ang kanilang nararamdaman.
Si Rian ang unang sumuko ipinagtapat nya kay Paul ang nararamdaman .Pero imbis na magtapat din si Paul hnd nya ginawa dahil natatakot siyang dumating ang panahon na silang dalawa mismo ang magkaayawan.Sinabi niya kay Rian na hnd nya ito gusto.naduwag sya.Nadurog ang puso ng dalaga dahil akala nya totoong hnd sya mahal ni Paul.Kaya bago pa sya mawasak ng tuluyan
Tumakbo sya ng tumakbo palayo
Umiyak sya ng umiyak .Napunta sya sa madilim na parke .tulala ng biglang may tumutok ng kutsilyo sa leeg nya .may manghoholdap sa kanya.pilit nitong hinahablot ang kwintas sa leeg nya. Pero nanlaban sya .ayaw nyang magpaubaya.dahil ang kwintas na iyon ay galing sa lalaking mahal na mahal nya.at hanggang ngayon mahal nya pa din kahit dinurog na sya.Bigla nalang pumatak ang luha nya ng maramdamang ang hawak na kutsilyo ng lalaki ay tuluyan ng nasaksak sa kanya.hnd sya umiiyak dahil sa sakit ng nakabaun na kutsilyo.kundi sa posibilidad na baka ito na ang huling hininga nya at hnding hnd nya na makikita si Paul.at kahit sa huling sandali ng buhay niya hnd nya nagawang bitawan ang kwintas na hawak nya.Nakatulala si Paul at hnd maawat ang mga luha nanginginig ang mga kamay na unti unting hinawakan ang kabaong ng babaeng minsan nyang minahal at patuloy na minamahal.sisingsisi sya hnd sya makapaniwalang wala na ito sa kanya at ang masakit pa malamig na bangkay na .ni hnd man lang nito narinig mula sa kanya na mahal nya ito.kung sana hnd sya naging duwag hnd mawawala si Rian.
Humagolgol sya at niyakap ang kabaong ng
Taong mahal nya nga pero hnd nya nagawang ipaglaban.
Kung sana .kung sana ipinaglaban kita. Umiiyak na bulong ni Paul sa bangkay ng si Rian.
Patawad mahal ko mahal ko.
Huling bulong nya.****;( END

BINABASA MO ANG
Huli na
Storie breviMga bagay na pagsisihan mo man ng lubusan .hindi na maibabalik pa dahil naging duwag ka