1. Bakit sila ang dami nang narating sa buhay, samantalang ako wala pa din?
Ito yung tipong, lahat ng kakilala/ka-edad mo eh halos nasa tuktok na ng tagumpay nilasamantalang ikaw nasa "trying to figure out my life" stage ka parin.
TANDAAN: Lahat tayo may kanya-kanyang landas na tinatahak sa buhay, kanya kanyang diskarte. Hindi naman pwede na ikaw papuntang Tagaytay pero yung sasakyan mo eh papuntang Baguio diba? Meaning, magkakaiba tayo ng routa na babaybayin, malayo at matagal. Yung routa na yun, daan yun papunta sa tamang destinasyon na dapat sayo.. yung pangarap mo. Maligaw man tayo, may Waze naman. hehe. Tyaga lang! "Nothing worth having comes easy".
2. Marangal naman trabaho ko ah? Bakit ang hilig nilang maliitin ito?
Ito naman yung mga trabaho na hindi "pasok" sa standard ng society. Yung nila-"lang" lang ng iba.
Ang saklap isipin na may pamantayan na pala ngayon sa mata ng tao kung ano yung ka-tinga-tingalang trabaho. "Uy diba waiter/waitress lang sya dun?" , "Ay wag mong gawin yan kasi maliit lang sweldo nun". Eh ano kung maliit lang sweldo? Atleast dahil lang naman sa trabaho na yun, nabubuhay, napapa-kaen at nakakatulong sila sa pamilya nila! May patakaran na ba ngayon kung ano ang dapat/di dapat gawin ng isang tao para lang igalang sila at ang trabahong meron sya?
C'mon. We all work out butts off. Ikinarangal mo ba yang pag husga sakanila? Kaya please RESPECT. mahirap ba yun?
3. Ang hirap naman! Bakit kailangan pa tong pag-aralan?
To my student homies out there! Here goes our being so impatient. Nag-aral ka kasi hindi kailangan lang. Nandyan ka kasi ito yung huhubog sa pagkatao mo, sa future self ika-nga.
May mga matututunan kang baong bagay bawat araw, di mo lang pansin pero pag dating ng araw na mag-tatrabaho ka na, maaalala mo nalang "Luh? Pinag-aralan namin to dati". Oh diba, without consiously knowing, may natutunan ka pala. Funny enough, meron talagang time na mapapa-tanong ka nalang na bakit kelangan pag aralan eh di naman magagamit. Yes. It's there for a reason. Hindi lang saling pusa, pero nandyan yan para i-test problem solving skills mo. Alam mo, ang problema di yan mawawala. Kaya nga nag-aral tayo para tulungan tayo na mag solve ng problems? Hehe.
So do yourself a favour. Next time you study, just think of it na it's a problem that you might come across in the future. By then, you'll know how to tackle it.
4. Bakit mga "payat" lang ang ikinokonsider na ideal figure?
Body shaming is such a topic nowadays. Bakit nga ba lage nalang payat yung "maganda sa paningin" ng tao?
Hindi porket hindi sya payat sa paningin mo eh sasabihan mo na ng "sayang, ang ganda mo sana kung payat ka". SERSIOULY? You'll never know kung ano ang mga pinag-daanan nya just to carry herself with confidence out in public. Yes, we all have our own definition of being healthy. Pero can't this society support each other instead of dragging each other down?
But despite all, just remember na you are "confidently beautiful with a heart" :)
5. Paano ba mag-move on?
Siguro nga, LOVE will always be the HOTTEST topic amongst all.
Ma-pa first love, second or third man yan, di mawawala ang heartaches. Parte na nga siguro ng sistema ng isang tao ang magmahal at masaktan. Umasa at magpa-asa. Not until, you let yourself go from the things that's stopping you to be happy, di ka talaga makaka-move on. Living in the past, won't make your future any brighter. Magiging miserable ka lang kung patuloy mong binubuhay ang nakaraan. Cliche, but past is past naman talaga. Past tense, ibig sabihin, di mo na pwedeng gamitin sa kasalukuyan. "We all make choices in life, but the hard part is living with them".
Ngayon tinatanong mo kung hanggang kelan at paano? It takes time. Don't rush yourself, pero once you make a step forward, don't look back.
6. Bakit ba walang umiintindi sakin?
"The biggest distance between two people is misunderstanding". Yes, indeed.
May kanya-kanya tayong interpretasyon sa isang bagay. Perceptions ika-nga. Remember "the dress"? Some people say blue and black, some say white and gold. Kadalasan nag-aaway away na kasi hindi mag-kakaparehas yung nakikita ng ibang tao. Why? Mahirap ba ma-gets na your brain works differently than mine? Our understanding really depends on our experiences in life. Iba iba tayo ng karanasan sa buhay, mag-kakaiba din tayo ng diskarte kung paano magwowork ang isang bagay para satin. And that's why unique individuals tayo. Kahit nga twins at same physical appearance, they are two individuals. May characteristics na meron sya, na wala yung isa. Pero ang good news? Yung pag-kakaiba ng isa't isa eh yun din ang nagbubuklod satin, to work together in sync, to fill in gaps, to help and support each other. :)
Kaya kahit mahirap ka intindihin, isipin mo lang na may isang tao na makaka-intindi sayo pero dapat handa ka din umintindi ng iba.
Sincerely,
Kathy

BINABASA MO ANG
TOP 6 QUESTIONS WE ASK OUR PRESENT SELF (TAG-LISH)
Non-FictionTypical na intro siguro sa buhay ng tao eh yung mga katanungan na gumugulo sa isip nito. Siguro inaatake ng insecurities? Or sadyang sinusubok lang tayo ng buhay. Yung bakit? Yung paano? at yung hanggang kelan? Ang daming tanong noh? Wag ka mag-a...