Chapter 15: Their tormentor..

1.2K 52 19
                                    

Chris Dane's PoV:

Nagising ako ng maramdaman kong may nag buhos sakin ng tubig na may yelo..

Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko..
Sinubukan kong gumalaw ngunit nakakadena ang buong katawan ko sa pader..

Sa harapan ko ay may dalawang tao na nakagapos naman sa upuan..

" M-mom? D-dad? " sambit ko sa paos na tinig..

Lumuluhang bumaling ng tingin sakin si Mom.. Walang malay si Dad..

Sinubukan kong makawala mula sa pag kakagapos ko pero no use.. Masyadong matibay ang kadena na ipinang-gapos sakin..

Inilibot ko ang aking paningin.. Hindi ko alam kung nasaan kami.. Isa lang ang nasisiguro ko.. Dito nag tatago ang Eiiryx Hunter na sinasabi ni Mom na pumatay sa tunay kong mga magulang..

" Good thing you're back to your senses.. Masyadong boring mag torture ng half breed na walang malay.. " nakangising sambit ng isang babae..

Siya 'yon! Siya ang kausap ni Dale kanina! Siya.. Siya ang pumatay sa magulang ko..

" Ikaw.. " I said through gritted teeth..

" Ako nga.. Kamusta na ang unico ijo ni Crissa at Daeson? " sambit niya sa nang uuyam na tinig..

" Anong kasalanan sayo ng pamilya ko? Pati ang kumupkop sakin? Bakit sila nandito? Palayain mo si Mom at Dad! Ako ang kailangan mo diba? " puno ng galit na sambit ko..

" Nakakalungkot naman kung mamatay ka dito ng mag isa.. Let them join you until you turned into a cold, lifeless creature.. And about naman sa kung ano ang kasalanan ni Crissa at Daeson sakin? To be honest.. Wala naman.. Ang pag kakamali lang siguro nila ay kung bakit pa sila nabuhay.. Demons like you don't deserve to live with humans.. Hindi kayo dapat nag eexist sa mundong 'to..  " sagot niya..

" Hayop ka! Ikaw ang demonyo! " sigaw ko..

Hindi na siya sumagot.. Mula sa pinto sa likod niya ay pumasok ang dalawang babae na may dalang lamesa..

Maraming syringes na nakalagay sa ibabaw nito.. May dagger din at sari-saring weapon na ngayon ko lang nakita..

Posibleng sila ang mga Hunters.. Sila din siguro ang pumatay sa pamilya ni Liah..

Kung makakatakas lang ako dito.. Maipag hihiganti ko na ang pamilya ko.. Pati narin ang pamilya ni Liah..

Kailangan kong makawala.. Whatever it takes..

Muli ay buong lakas akong nag pumiglas.. Nag babakasakaling masisira ko ang kadenang nakagapos sakin..

" Kahit anong gawin mo ay hindi mo masisira ang kadenang 'yan.. Nag sasayang ka lang ng lakas..  " sambit ng isa sa mga tauhan ni Eiiryx..

Hindi ko siya pinakinggan.. Ipinagpatuloy ko ang aking gingawa.. Muli kong sinubukang makatakas..

Pero wala akong magawa..

Nakangising lumapit sakin si Eiiryx dala ang isang dagger..

Nang tuluyan na siyang makalapit ay dahan dahan niya itong itinarak sa kaliwang braso ko..

Sinubukan ko ang lahat para hindi ako mapasigaw.. Kailangan kong maging matatag..

Mula sa pag kakabaon ay unti-unti niyang inikot at dagger..

Impit akong napamura dahil sa sobrang sakit..

Dahan-dahan niyang hinugot ang dagger at sa binti ko naman siya bumaling.. Muli ay ibinaon niya ang hawak niyang dagger atsaka ito inikot..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Girl Is A DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon