Chapter 1

15 1 0
                                    

Fovie POV.

"Black.. Papasok ka bukas?"

Tanong ko sa asawa ko. Andito kami ngayong dalawa sa living room. He is now watching basketball show. Mukhang hindi nya ata narinig yung tanong ko kaya inulit ko ito.

"Black---"

"Can you please shut up!!? Nakakairita yang bosess mo! Pota"

Sigaw nya at tumayo papuntang kusina. Napayuko na lamang ako. Simula nung natapos yung kasal, sa iisang bubong na kami nakatira ni Black. Kaya sa iisang bubong na iyon, naging mahirap ang pagsasama namin. Yes. We are married. Pero parang ako lang ata ang may gusto sa kasal na yun. Were still in college level. Pinaaga lang yung kasal dahil gusto kong mapasaakin si Black. Selfish na kung selfish kasi simula high school palang ay patay na patay na ako sa kanya. Alam kung may mahal syang iba. Alam kung ang sama sama ko. Nagmahal lang naman ako diba? May mga bagay talaga na kaya mong isakripisyo di dahil gusto mong kunin ang isang bagay kundi dahil mahal mo ito at hindi mo kayang mawala pa ito sa iyo. At ganyan ako. Hindi ko gusto na mawala si Black sa buhay ko. Kahit anong mangyari, mamahalit mamahalin ko parin sya.

Kinuha ko yung remote at pinatay yung TV tsaka ko sinundan si Black sa kusina. Umupo ako sa bakanteng upuan at kumuha ng plato.

"Timplahan mo ako ng kape" diretsang utos nya habang nginuya nguya pa nya yung pagkain.

"Black baka hindi ka makatulog nyan. Tsaka may pasok pa tayo bukas, baka mapuyat ka" sabi ko.

"Narinig mo ba sinabi ko!!?" Galit na naman sya. Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya.

Pagkatapos kung nagtimpla ay binigay ko na iyon sa kanya.

"PUTANG INA NAMAN FOVIE! GANITO KABA MAG TIMPLA NG KAPE?!!!"

Nagulat ako sa sigaw nya. Kaya dali dali kung kinuha yung kape at tinikman. Okay naman yung lasa ha.

"B-black okay naman yung lasa"

"Okay? Napaka useless mo!!! Ano bang klaseng lasang meron ka??!! Nakaka bwesit ka!!"

Sigaw nya tsaka tumayo paalis. Hindi ko alam pero nanggigilid yung mga luha ko.

Iniligpit ko nalang yung mga kainan namin tsaka ko hinugasan pagkatapos ay nagtungo na ako sa kwarto upang natulog. Magkahiwalay yung kwarto namin ni Black dahil ayaw muna ni Mommy na magkatabi kami dahil baka raw may mangyari at gusto pa nyang makapagtapos kami ng pag aaral.

Hindi ko alam pero naramdaman kung nakatulog na pala ko dahil sa bigat ng magkabilang talukap sa mata ko.

------------------

A|N: guys please don't judge po. Maramin pong grammatical errors at typos tong story nato. Amateur po ako kayo expected napo lahat. Like and Comment pooo ^_^

Ms. Dexie <3

The Unwanted Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon