Fovie's POV.
"HOOY FOVIE GISING!!!!"
Napabangon ako sa sigaw na iyon kaya agad akong pumunta sa pintuan at pinagbuksan iyon.
"Alam mo bang anong oras na hah!!? Bweesit na asawa ka! Magluto ka para makakain ako. Nagugutom na ako litsee!"
Gusto kong takpan ang dalawang tenga ko dahil sa tanang buhay ko, hindi pa ako tinaasan ng boses ng mga magulang ko. Sya lang ang nakagagawa sa akin nyan. Si Black lang. Ang mahal ko.
"Ano pang tinungatunganga mo dyan ha? Alam mo bang may pasok ako? Ma lalate na man ako dahil sayo!!! Mauna na nga ako bwesit!"
Dun kolang napansin ang complete uniform nya.
"B-black! Teka-" pigil ko sa kanya. Hindi nya ako liningon at nagpatuloy lamang sa paglalakad ngunit hinabol ko sya. Bahala na kung masita ako. Ayaw kong magutom sya. Ayaw kong magutom ang asawa ko.
"Black. Madaliin ko ang pagluto tek--"
"Tabi nga dyan! Nakakasuka yang baho mo!!" Tinabi nya ko dahilan sa pagkaupo ko sa sahig. Kita ko pa yung likod ni Black palabas ng pinto.
Napahilamos nalang ako sa mukha ko. Naiiyak ako! Naiiyak ako sa nangyari! Am I that desperate? Naramdaman ko nalang na may tumulong tubig sa mata ko. Hanggang sa nagsunod sumod na ito.
"Ikaw kasi Fovie! Ang bagal bagal mo! Ayan tuloy!" Sisi ko sa sarili ko. Pinunasan ko na yung luha ko at kahit na nanlalabo pa yung mata ko dahil sa luhang nangingilid nito ay pumilit akong tumayo at nagtungo sa kusina upang magluto.
Hindi ko man sya nalutuan ng almusal, gagawan ko sya ng lunch mamaya.
Kahit na may pasok ako ngayon ay pinilit kong umabsent dahil gusto kong paglutuan si Black.
After an hours ay tapos na rin akong nagluto. Simple lang yung niluto ko. Yung favorite nya. Adobong Manok! Paborito nya kasi ito tsaka, pinag aralan koto ng ilang beses.
Napangiti nalamang ako. Sana magustuhan ito ni Black! :)
-----------
11:00
Andito ako ngayon sa school sakto at mag la lunch break na at dala ko na ang pagkaing ginawa ko para sa lunch ni Black.
"Hooy Pobiang!"
Napatingin ako sa tumawag. Si Jeehan lang pala. Ang kaibigan ko.
"Bakit ka wala ka kanina ha? Wag mong sabihing inaway kana naman ng topak na asawa mo?" Napatawa na lamang ako sa kanya. Oo alam nya na mag asawa kami ni Black at alam nya rin ang pagtrato ni Black sa akin. Sa kanya kasi ako nagsusumbong pag inaaway ako ni Black. Sa kanya lang! Hindi sa mga magulang ko. Hindi pa alam ng ibang studyante maliban nalang sa mga teachers ay staff. Ginagawa kasi namin itong Privacy dahil na rin sa mga mas importante pang bagay.
"Wala no! Napuyat kasi ako kagabi" pagsisinungaling ko.
"Ano ba yan! Lagi kana lang nagpupuyat."
"Hahaha ganun talaga eh pag naging misis kana Jee" Napatawa nalang kami pareho.
"Awee segi mauna muna ako! May ibibigay pa ako sa prinsipe ko."
Biglang sabi ko nang maalala ko na ibibigay ko pala yung pagkaing ginawa ko kay Black.Hindi ko na hinintay ang reaponse ni Jeehan at humarurut na papunta sa Classroom nila Black.
Konti nalang yung studyante dahil siguro sa lunch break na at ang iba ay abala sa pagpili ng pagkain sa Cafe.
Sumilip muna ako sa room nila Black. At hindi nga ako nagka kamali andito nga sya. First time kung pumunta dito. Nagkwekwentuhan sila ng mga kaibigan nyang lalaki.
"Ehem. E-excuse me"
Nakuha ko ang atensyon nila pati na rin kay Black. Hindi pa nila alam ang relasyon namin ni Black. Tiningnan ko si Black na nakasalubong yung kilay. Galit naman siguro ito panigurado.
"Yaya ko yan. Puntahan ko muna"
Parang nabingi ako sa sinabi ni Black. Yaya? Ako?Naramdaman ko nalang yung kamay ni Black na kinaladkad ako papunta sa likod ng building sa SPA.
"Ano bang ginawa mo ha!? Mahiya ka nga!!" Sigaw na naman nya.
"Gusto ko lang namang ibigay sayo tong lunch mo. Baka kasi nagugutom ka." Inabot ko sa kanya yung lalagyan nung pagkain. Natuwa ako kasi kinuha nya iyon. Tiningnan ko sya na inamoy yung pagkain pero laking gulat ko nung tinapon nya iyon.
"Blaaaack!"
"Hindi masarap" diretsang sabi nya.
"Black! Pinaghirapan ko yun tsaka hindi mo pa-----"
"Pinaghirapan?" Napa chuckle pa sya.
"Ganyan naba ang paghihirap sayo? Ha Fovie? Tsss." Napayuko nalamang ako.
"Sa susunod wag kang basta basta pumupunta sa room ko. Asawa lang kita! Ikaw lang may gusto nun."
Para akong nanghina sa sinabi nya. Asawa? Ako lang ang may gusto? Naramdaman kung nagtutubig na yung mata ko. Pero nanatili lamang akong tahimik at nakatutuk sa nagkakalat na mga kanin at adobo sa sahig.
"Nakakahiya ka! Ka babae mong tao. Hindi mo ako pwedeng kausapin o lapitan dito sa school. Baka sabihin ng mga kaklase ko kung ka ano ano kita!!! Naiintindihan mo?!?!"
Tumango ako. Ayoko ng magsalita dahil alam kung hihikbi ako dahil sa pagpigil ng luha ko. At kahit na anong pagpigil ng luha ko, ay umaagos pa rin ito. Naramdaman kung wala na si Black sa harapan ko kaya kinuha ko yung lalagyan ng pagkain at inilagay doon ang adobo at kanin na nagkalat.
"Okay lang Fovie! Aja. Ganyan talaga pag naging misis kana!"
Cheer ko sa sarili ko upang isiping normal lang sa mag asawa iyon. Kahit na madumi na yung pagkain ay kinuha ko pa iyon dahil sabi ni mommy sa akin na bawal daw mag aksaya ng pagkain. Ipapakain ko nalang ito sa aso mamaya. After a minutes umalis na ako doon at pumasok sa next subject ko bago ako pumasok ay sinisiguro ko munang hindi namamaga yung mata ko at hindi ako amoy adobo. Dahil alam ko kung anong maging reaksyon ng kaibigan kung baliw.!
--------------
A|N: guys please don't judge po. Maramin pong grammatical errors at typos tong story nato. Amateur po ako kayo expected napo lahat. Like and Comment pooo ^_^
Ms. Dexie <3
BINABASA MO ANG
The Unwanted Wife
Teen Fiction"I'm here. I love you. I don't care if you need to stay up crying all night long, I will stay with you. If you need the medication again, go ahead and take it-I will love you through that, as well. If you don't need the medication, I will love you...