kabanata 4

79 3 0
                                    

Danielle

NAKA UWI na ako ng bahay ngunit hindi ko parin maiwasang isipin yung inasal ko kanina sa caffe, nakaka hiya , sabay taklob ko ng dalawang kamay ko ang mukha ko ngayon , huhuhu bakit kase ginawa ko yun? Nakaka inis talaga, ayaw ko ng pumunta sa caffe na iyon ayoko na talagaaaaaaaa! Huhuhu

Pinag dadabog ko ang lamesa ko , at inuntog ang ulo ko , ouch ang sakit , sabay hawak ko sa sentido ko ngayon at hinilot ito para mabawasan ang sakit , hindi naman ako humihingi ng tawad sa ginawa ni ate Freya pero yun ang iniisip niya!, Eh nung mga oras na yun hindi ko alam ang ginagawa ko and worst napag kamalan pa akong drug user , halos umusok yung mag kabilang tenga ko dahil sa mga sinasabi niya , mas lalo tuloy akong makaramdam ng sakit sa puso ko .

Sino ka ba Carlos? Hindi naman kita kilala, pero kapag malapit ka sa akin hindi ko maipaliwanag kung anong nararamdaman ko , pero hindi saya kundi ang madalas kong maramdaman kapag malapit ka , ang pag kirot ng puso ko dala ng bawat ngiting sumisilay sa labi mo , nasasaktan ako ng sobra , bawat pag ngiti mo

Nag simulang bumagabag ang mala misteryong nararamdaman ko sayo , pinag laruan ko na lamang ang paa ko nag simula itong tumaas baba, at unti unting lumikha ng mahinang tunog dala ng mga paa ko sa ibaba ng mesa ng study table

" Danielle" narinig kong pag tawag ni mama ng pangalan ko , dahil don napatayo ako at lumapit sa pintuan kong medyo luma na ,para mabuksan ko ito " ano po yun ,mama?" Magalang na tanong ko sa kaniya, habang naka tingin ako sa kaniya , 45 na siya , pero bata parin ang mukha niya dala ng gamot na umiinom niya , nag papa ganda eh , naka pusod rin ang buhok niya at naka suot ngayon ng leggings at naka jacket, teka may pupuntahan ba siya? " Isara mo yung mga pinto rito sa bahay , alam mo naman na kung gaano kadelikado ngayon " tumango na lamang ako , at napatingin ulit ako sa kaniya " Ma saan pala kayo pupunta? " Tanong ko sa kaniya, maiiwan nanaman ako eh huhuhu " ay hindi ko papala na sabi sayo , dadating ang Lola mo ngayon "huwat!? Gabi na ah , hindi a delikado ngayon ? " Eh mama gabi na po ah?" Nag aalalang tanong ko sa kaniya pero tumawa lamang ito sa akin at bahagyang ginulo ang buhok ko ngayon " hindi kana na sanay palaging gabi natatapos ang biyahe papunta dito sa cauayan" paliwanag niya sa akin at medyo gumaaan naman ang condition ko ngayon " Manila girl ka talaga" pag tuloy niya at nag simula nang mag lakad papuntang pintuan , para maka alis na siya

Tumakbo naman ako malapit sa pintuan , at nakita ko si papang pinapaandar ang tricycle namin , at si mama naman ay naka sakay na sa loob kasama si malditang Mikee , wow ha! Siya talaga ang sinama , sabagay hindi niya pa kayang mag isa dito sa bahay , ang hirap talagang maging ate kailangan, parating mag paraya , nakaka inis , nag ba-bye na sa akin si mama at si papa naman ngumiti sa akin pero si Mikee umirap lang at inilabas niya pa ang dila niya, bwisit! Na batang yan sarap itapon!

" Sige po mag Ingat kayo mama papa" pag paalam ko sa kanila, at sinamaan ko ng tingin si Mikee maldita , nakaka inis kasi , as usual ayun inirapan niya lang ako punyetang bata!

Lumabas ako sa labas ng bahay , oonti na lang ang mga motorsiklong dumaraan , gabi na kase eh , mas lumakas pa ang bugso ng hangin ngayon , bigla ko naman na alala si mama , naku! Baka umulan , kawawa si la niyan , ipinag dasal ko na sa hindi umulan , sana simpleng malakas na hangin lang ito , kapag umulan madulas ang daan na nag sasanhi ng peligro, hayss sana hindi naman

Umupo ako sa upuan dito sa terrace, isang palapag lang ang bahay namin , at may tatlong kwarto, pero yung isang kwarto na abando na dahil wala na sila kuya eh nasa malayo , pero na nanaliti parin itong malinis hanggang ngayon , kapag pumapasok ako dun natatawa na lang ako , dahil iba talaga ang impact sa kanila ng anime , biruin yung kulay puting wall nila sa kwarto napuno ng anime posters, sa tanda nilang yun hindi parin sila nag babago, mahal na mahal parin nila ang anime , starting with One piece.

Perdón Discúlpame ( Sorry , Forgive Me ) Where stories live. Discover now