A/N: 皆さん、私は本当にすみません!〒▽〒
----------------------------------------------------------
Maagang natapos ang klase namin kay Sir kaya naman agad na akong umalis sa loob ng room at isa pa nagugutom na din, konti lang kasi kinain ko kaninang umaga kaya didiretso muna ako sa canteen ngayon.
"Manang pabili nga po nito, at saka ito nadin"
"Ano pa?" tanong sakin ni manang na tindera sa canteen.
"Ay wait lang po, kukuha lang ako ng softdrinks" paalam ko kay manang.
Tumungo ako dun sa Refrigerator upang pumili ng maiinom medyo uhaw na din kasi ako.
"Hmmn... ang daming nakalagay sa loob, ang hirap pumili pare-parehas ko silang gusto. Ah alam ko na." ipinikit ko ang aking mata.
"Mini mini minimo alin sa inyo ang pipiliin ko" pagbukas ng aking mata nagulat ako ng makita ko kung saan nakahawak yung kamay ko.
Yung dapat na softdrinks na napili ko ay mayroon ng nakahawak na iba kaya naman yung kamay na nahawakan ko ay ang kamay nung taong nakahawak sa softdrinks na napili ko.
"Hey? Why are you touching me?" tanong niya.
At nanlaki ang mata ko nung makita kung sino itong tao na nasa tabi ko kaya inalis ko kaagad ang aking kamay.
Shit! Bakit siya pa?"Ah--eh" hindi ako makapagsalita, natataranta ako na parang ewan. Bigla akong nakaramdam ng kaba nung nahawakan ko ang kamay niya ng hindi inaasahan.
"Ah so-sorry, kukunin ko sana yan pero naunahan mo ko, kaya sige sayo na lang" Agad akong humarap kay manang at nagbayad ng aking mga binili at pagkatapos ay kumaripas ng takbo papalabas ng canteen.
Ano bang nangyayari sa akin? Bigla akong nakaramdam ng kakaibang kuryente kanina,
At hindi ko maigalaw yung katawan ko nung nagkatinginan kami sa mata.
Oo, aaminin ko ng gwapo nga talaga siya at mas gwapo pa sa akin lalo na sa malapitan hindi ko lang siguro masyadong napansin yun kahapon dahil medyo madilim na nung time na yun.Shit! Bakit ba iniisip ko pa yung mga ganitong bagay parang ako tuloy yung nagmumukang bakla nito eh!!!!
----
"Hay salamat at busog na ako!" Nandito ako ngayon sa taas ng school, sa rooftop at dito na ako kumain dahil nandun kasi yung Summer na yun sa Canteen, ayoko kasing magpakita sa kanya lalo na at baka gantihan niya pa ako sa ginawa ko sa kanya kapag nalaman niyang ako yung guy kahapon.
"May 30 minutes pang natitira bago ang next Class kaya magpapahinga muna ako dito"
"Teka? Nasaan na yung panyo ko?"
kinapa kapa ko yung bulsa ko wala naman sa loob at kahit din sa loob ng bag wala padin.
Hindi pedeng mawala iyon. Iyon pa naman ang natitirang ala-ala sa akin ni lola.
Special iyon dahil si lola ang nagbigay at nagburda ng pangalan ko doon."Ito bang hinahanap mo" Biglang may sumulpot na panyo sa taas ng uluhan ko.
"Ay oo yan nga, salam--" kukunin ko na sana ng bigla itong binawi nung taong nag aabot.
Paglingon ko sa likuran si Summer Cho na nakangisi ang mukha at hawak niya ang panyo ko. Siya nanaman?
Bakit nasa kanya panyo ko? Siguro sa sobrang taranta ko magbayad kanina sa Canteen baka nabitawan ko don, at sa dami ba naman ng tao sa mundo siya pa ang nakakuha.
"YONAMINE KIM" so ikaw pala yon.
"Huh? Anong pinagsasasabi mo? Akin na yang panyo ko" utos ko sa kanya.
Tumayo ako at lumapit sa kanya upang kunin ito ngunit ayaw talaga niya ibigay pinagod lang niya ako sa kakatalon. Pilit kong inaabot pero hindi ko talaga makuha, bakit ba naman kasi ang tangkad ng taong ito.
"Ano suko ka na bansot?" ANONG SABI MO?
"HOY ANO BANG PROBLEMA MO?" pagalit na sigaw ko. Nakakainis na kasi talaga siya eh!!
"Ikaw, ikaw ang problema ko." Huh? Ako? Hinila niya ako at idinikit sa pader.
"Aray! Bi-bitawan mo nga ako!" kinuha niya ang panyo at ipinantakip sa aking ilong saka bibig.
At mata ko na lang ang nakalabas..."Ikaw nga!" Sabi niya habang pinagmamasdang ang mabuti ang mukha ko na mata lang ang kita.
PAANONG.........???
Shit! Oo nga pala naalala ko na, yung panyo na ginamit kong pantakip sa mukha ko kahapon ay ang panyo na bigay sakin ni lola na hawak niya ngayon. 😨😨
Baka iyon ang dahilan kung bakit agad niya akong nakilala!!!! Patay na talaga ako nito!
Inilapit niya ang kanyang bibig sa aking Tenga at ramdam ko ang mainit niyang hininga.
"YO-NA-MI-NE-KIM" seryosong pagkaka bulong niya sa akin, na nagpanginig sa aking buong katawan.
Inangat niya ang kanyang mukha at humarap sa akin. At tinititigan niya akong mabuti.
Hindi ko maintindihan ang expression sa kanyang mukha, nakangisi ito at mukhang may binabalak na masama.
Hindi kaya................--------
TO BE CONTINUED...
-----------
A/N:
SENSYA NA MEDYO MAIKLI AT TAGAL NG UPDATES!!!!!
Kayo na Bahalang umintindi sa mga Pinagsusulat ko.
MARAMING SALAMAT SA MGA SUPORTA NINYO SA STORY KO..
MAY KADUGTONG PATO BAKA MAMAYANG GABI OR BUKAS KO ULIT GAWIN.
Sensya na talaga!!!
saka ko na lang ayusin pag may time.
-----
Busy sa kakabasa ng YAOI MANGA haha!! Joke!!
YAOI IS LIFE WKWKWK ('⌣'ʃƪ)
BINABASA MO ANG
STOP TOYING WITH ME, PLEASE. (BoyxBoy)
Humor✘Warning This Story is Rated SPG✘ 🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹 #51 in HUMOR (June 09, 2017) #72 in HUMOR (June 10, 2017) #100 in HUMOR (JUNE 11, 2017) #337 in HUMOR (JUNE 16, 2017) Morning #494 in HUMOR (JUNE 16, 2017) Evening #567 in HUMOR (JUNE 17...