Chapter 1

2 0 0
                                    

Patricia


10 years ago...


Titig na titig ako sa aking sarili sa salamin na nakasuot sa damit ng aking nakakatandang kapatid. Maluwag na shorts at malaking t-shirt, gustong gusto ko to ang ganitong kasuotan!


Nagulat ako nang biglang bumukas ang pintuan ng aking kwarto at pumasok si kuya....


"Ba't mo suot ang damit ko Pat?!"


Kinakabahan ako... lagot talaga ako nito


"Isusumbong kita kay mommy!" dagdag pa nya bago umalis sa aking kwarto at nagpunta patungo kay mommy.


Bwisit, bakit kasi nakalimutan kong ilock ang pinto. Bumukas ulit ang pintuan ng aking kwarto at pumasok si mommy na magkasalubong ang kilay. Putek!


"What in the world are you wearing Patricia?! Goodness gracious! Remove that thing and wear a dress!" nakapanghinawak niya na sabi.


"B-but--"


Di na niya ako pinatapos sa pagsasalita atsaka hinila ako papalapit sa closet. Wala na akong nagawa kundi magbihis ng dress.


Nakayuko lang ako habang inaayos nya ang buhok ko at nilalagyan ng clip ang mga ito...


"These are the things that you should wear Patricia, see? You're so beautiful"  ngumiti na lang ako ng pilit kahit gustong gusto ko ng bumusangot sa harapan nya. Tsk!


Whatever mom...

She's a HeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon